Friday, March 19, 2021

Ivana Alawi at Tatay Vendor Muling Mapapanood sa Vlog ni Ivana

Views

Photo: IG @ivanacanada

 Talagang usap-usapan ang previous vlog ni Ivana Alawi na kung saan nagsagawa si Ivana Alawi at ang kanyang team na mag-social experiment at naging maganda ang kinalabasan ng vlog na ito na hindi maitatangging nagustuhan ng mga fans at subscribers ni Ivana Alawi. 

Marami kasing napaiyak, na-touch, na-inspire at natuwa sa ginawa ni Ivana na sa kaunting tulong ng mga kapawa natin Pilipino ay binabalik ito ni Ivana ng 1000x kaya naman napakasuwerte ng mga taong tumulong kay Ivana Alawi sa isinagawa niyang social experiment. 

Photo: IG @ivanacanada

Photo: Ivana Alawi YT

Sa katunayan ay mapahanggang ngayon ay viral na viral pa rin ang vlog ni Ivana at kasalukuyan nasa almost 14M views na ang vlog na iyon ni Ivana at may 1.5M likes at may 171k comments at halos lahat ay positive comments at sa katunayan din ay may 6k dislikes lang ang vlog na ‘yon. 

Sa dulo ng vlogs ay mapapansing ito ang pinaka-highlights ng vlog dahil dito na naiyak si Ivana sa isang tatay na kutsinata vendor na hindi nag-atubiling tulungan si Ivana at dito rin sa part na ito napaiyak ang maraming netizens. 

Mukhang hindi rin dito magtatapos ang istorya ni Ivana at si tatay vendor at mukhang muli natin silang mapapanood sa next vlog ni Ivana dahil sa kumakalat ngayon na mga larawan na na-post sa IG na may username na @ivanacanada ay makikitang magkasama si Ivana at si tatay kutsinta vendor.

Pinahanap talaga ni Ivana si Tatay Joselito Martinez matapos na umantig sa puso niya ang ginawang kabutihan nito. Una silang nakita sa isang appliance center at tila ipinamimili ni Ivana ng nga kagamitan sa bahay ang kutsinta vendor.

Matapos nito, may mga nagbahagi naman ng video kung saan makikitang inaasikaso ni Ivana si tatay Joselito at kasama nito habang kumakain sa isang restaurant. Maraming netizens ang nag aabang sa panibagong Vlog ni Ivana tungkol dito. 

Photo: IG @ivanacanada

Photo: IG @ivanacanada

Photo: IG @ivanacanada

Photo: IG @ivanacanada

Photo: IG @ivanacanada

Photo: IG @ivanacanada



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment