Monday, April 19, 2021

Community Pantry ng Isang Netizen Naudlot Dahil sa Hinakot Lahat ang Paninda

Views

Photo: Carla Quiogue FB

 

Viral sa Tiktok at Facebook ang bidyo at post ng isang netizen na nadismaya nang hakutin ang paninda na para sana sa mga nangangailangan at babayaran sana ang paninda sa abot ng makakaya ng isang nangangailangan.

Photo: Carla Quiogue FB

Photo: Carla Quiogue FB

Sa post ni Carla Quiogue sa Facebook na umabot 6k reactions, 525 comments at 5.4k shares ay kanyang ibinahagi ang karanasan sa kanilang ginawang community pantry na kung saan para sana ito sa mga nangangailangan at kukuha ka lang ng paninda na kailangan mo at nasasayo na kung magkano mo ito babayaran.

Photo: Carla Quiogue FB

Photo: Carla Quiogue FB

Photo: Carla Quiogue FB

Dahil wala namang bantay ang ganitong klaseng bayanihan ay umaasa sila na wala namang manggagago sa kanilang bayanihan ngunit nagulat sila ng makuhanan ng bidyo ang actual na paghakot sa kanilang mga paninda gaya na lang ng ilang trays ng itlog na isang buong tray ang kinuha. 

Narito naman ang caption sa post ni Carla:

Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. 🥺 Sana talagang yun yung kailangan nila.

EDIT POST:itutuloy po namin ang community pantry tomorrow. Marami nang nagmemessage para magcontribute. So if you want to contribute also, just send me a message. 

Photo: Carla Quiogue

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment