Tuesday, April 20, 2021

itlog Queen at Mga Tropa Nito Nakarating na sa Iba’t Ibang Sulok ng Bansa Dahil sa Memes

Views

Photo: John Carlo Bagas  FB/ Batangas Connect FB

 Talaga namang pagdating sa kalokohan at katatawanan ay hindi magpapahuli ang mga Pinoy, dahil kung patabaan lang naman ng utak ang labanan aba’y magaling tayo riyan lalo na pagdating sa katatawanan.

Viral na viral kasi ngayon ang bidyo na kung saan sinimot ng grupo ng mga babae ang isang paninda sa ginanap ng community pantry sa Pasig at naging highlights nito ang pagsimot ng isa sa mga kababaihan ng isang buong tray ng itlog kaya naman naging usapin ito hindi lang sa socmed kundi pati na rin sa TV.

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB

Photo: John Carlo Bagas  FB


Naibalita na kasi sa GMA news ang pangyayari at nakapanayam na rin nila ang babae na tinangay ang isang buong tray ng itlog at hindi naman naniwala ang karamihan sa mga netizens ang naging rason ng babaeng kumuha ng isang tray ng itlog na tinawag na rin mga netizens na “itlog queen.”

Ang rason daw kasi ng babae ay hindi naman daw niya tinangay ang isang buong tray ng itlog para solohin an’ya ay pinamigay raw niya ang ilang itlog sa mga kapitbahay. Pero isang kapitbahay naman ni itlog queen ang nagsalita at ayon sa kanila ay wala raw silang natanggap na itlog. 

Photo: Batangas Connect FB

Photo: Batangas Connect FB

Photo: Batangas Connect FB

Photo: Batangas Connect FB

Photo: Batangas Connect FB

Photo: Batangas Connect FB

Dahil nga viral si itlog queen at mga kagrupo nito ay ginawan ito ng memes ng ilang mga netizens na magagaling mag-edit at sa caption pa ng edit nila ay nakarating daw sila sa iba’t ibang sulok ng bansa para hakutin ang mga itlog kaya mag-iingat daw, pabirong caption ng mga pages na nag-post ng mga memes. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment