Monday, June 7, 2021

17-year Old na Babae Nilabanan ang Dambuhalang Oso Para Iligtas Ang Mga Aso

Views

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Sa pag aalaga ng aso may mga amo talaga na itinuturing pamilya ang kanilang alagang aso, kung yung iba ay ginagawang bantay ang aso yung iba naman ay inaalagaang parang baby nila. 

Pero bilang amo ng isang hayop gaya ng aso, hanggang saan ang kaya mo ibigay para sa kanila? Kaya mo bang itaya ang sarili mong buhay para lang mailigatas sila, gaya na lang ng isang babae na naitampok sa KMJS na muntik ng pumanaw sa pagsagip ng kanyang aspin? 

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Mahirap paniwalaan pero may mga taong kayang itaya ang buhay para lang mailigtas nilang ang kanilang alagang aso. Sa bidyong nag-viral sa Tiktok na umani ng 70M views, halos 10k hearts, 179k comments at 755k shares, isang babae ang rumagasa papunta sa napakalaking oso para lang iligtas ang mga alagang aso. 

Sa kwento ni Brenda na taga Utah, USA sa kanyang Tiktok account matapang daw na nilusob ng kanyang pinsan na si Hailey ang oso na may mga anak pa nang inakyat nito ang kanilang gate at agad namang inatake ng kanyang mga alagang aso ang oso. 

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Photo: Screenshot from ABC YT Channel

Dahil alam ni Hailey na walang laban at puweding kainin ng oso ang kanyang mga alaga hindi nagdalawang isip si Hailey na sugurin ang oso at itinulak ito para mahulog sa gate at agad namang binuhat ni Hailey ang isa sa kanyang alagang aso at sabay tumakbo papaloob ng bahay. 

Napakadelikado ang ginawa na ito ni Hailey dahil may mga anak pang kasama ang uso na alam natin na agrisibo ang mga mother bear ‘pag nagagambala ang kanilang mga anak. Panoorin ang aktuwal na

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment