Saturday, July 31, 2021

Katotohanan sa Biglaang Pagpanaw ni Ate Shawee na Impersonator ni Sharon Cuneta

Views

Photo: Ate Shawee FB

 

Isa na namang nakakalungkot na balita ang ating nabalitaan, isang kilalang impersonator ni Megastar Sharon Cuneta ang namaalam dahil sa hindi naagapang karamdaman. 

Kilalang stand-up comedian si Ate Shawee o maskilalang Marvin Martinez na nagkaroon ng Liver Cirrhosis at ito rin ang sanhi ng kanyang General Hospital. 

Mahirap kasi malaman agad na mayroong kang ganitong sakit at malalaman mo na kang malala na ito at sa final stage na gaya ng nangyari kay Ate Shawee na nasa final stage na ang kanyang karamdaman sa atay.

Photo: Ate Shawee FB

Photo: Ate Shawee FB

Photo: Ate Shawee FB


Ang ganitong uri ng karamdaman ay progressive o di kaya’y unti-unting namumuo hanggang sa dumating sa final stage na kung saan ang tanging paraan na gumaling ay liver transplant dahil labis na pagka-damage na ng atay a kung saan ang healthy tissue ay napalitan na nga scar tissue at hindi na nakakadaloy ng maayos ang blood flow sa atay at isa sa pangunahing dahilan kung bakit ka nagkakaroon nito ay ang madalas o labis na pag-inom ng alak. 

Talagang nakakaawa ang dinanas ni Ate Shawee dahil noong nabalitaan niya ito ay ramdam ng mga nakabasa sa post nito sa Facebook kung gaano siya ka hopeless at pati si Sharon Cuneta ay nagbakasakali siyang hingan ng tulong ngunit ang problema ay wala siyang contact kay Mega Star. 

Photo: Ate Shawee FB

Photo: Ate Shawee FB


Kaya naman sa mahihilig uminom riyan hindi pa huli ang lahat para baguhin o ayusin ang lifestyle ninyo at magpa-check up kayo bago pa malaman niyo na huli na ang lahat. ‘Wag abusuhin ang katawan lahat ng sobra ay mali. 


Friday, July 30, 2021

13 na mga Artista na Gumanda ang Buhay Nang Lisanin ang Pagiging Artista at Nanirahan sa Ibang Bansa

Views


 

Para sa iba ang pagiging artista ay susi para gumanda ang buhay at ang akala ng karamihan ay ‘pag lumalabas ka na sa TV ay maginhawa na ang buhay mo ngunit ang pagiging successful sa showbiz ay para lamang sa mga talagang sumikat at ang mga pangkaraniwang artista lamang ay hindi rin nagiging successful sa karera. 

Photo: Michelle Madrigal 


Kaya naman maraming sikat o kilala noong artista ay ngayo’y matatagpuan na lamang sa kalye o ang iba ay naging mahirap pagkatapos malaos, hindi na bago ito dahil ilan na ang mga artistang sikat noon na ngayo’y nag-viral dahil nakikita na lamang sa kalye at ang iba ay hirap na hirap na sa buhay. 

Photo: LJ Moreno

Photo: Jewel Mische

Sating subject ngayon ay ang mga artistang tinalikuran ang showbizz at nagpakapraktikal sa buhay at habang hindi pa nalalaos ay tinalikuran ang buhay showbiz at pinili magkaroon ng simpleng pamilya at nanirahan na sa ibang bansa. Narito ang 13 na artista na kilalang kilala sa showbiz at talaga namang may pangalan at piniling iwanan ang showbiz at namuhay ng tahimik. 


Tuesday, July 27, 2021

Bea Alonzo Hinalikan ni Dominic Roque Mga Netizens Todo Comment sa Bidyo Nila

Views
Images and Video courtesy of Instagram: beaalonzo


 Matagal ng napapabalita ang madalas at magandang samahan ni Bea Alonzo at Dominic Roque at nitong mga nakaraan nga ay tila sunud-sunod na ang mga larawan nila na kung saan hindi na nila ito ginagawang pribado.

Kaya naman sigurado na ang mga netizens na magkasintahan na nga ang dalawa, kasabay sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA network ay siya ring pag-public niya sa mga larawan na kung saan magkasama sila madalas ng aktor. 

Images and Video courtesy of Instagram: beaalonzo

Images and Video courtesy of Instagram: beaalonzo


Kung sa mga unang larawan ay may doubt pa ang mga netizens kung magkasitahan na nga ba sila, pero this time na kung saan bidyo na ang kumalat sa social media na kung saan ay hinalikan ni Dominic Roque si Bea sa cheeks ay paniguradong sila na ngang dalawa, kaya tanong ng ilan, pasado ba si Dominic sa mga fans ni Bea? 

Sa bidyo na kung saan kiniss ni Dominic Roque si Bea at na-post naman ito sa sikat na entertainment site na fashion pulis dinumog naman ang comments section ng mga netizens at narito ang say nila.


Say ng netizens: 

Bat kaya subod subod na ung photos nila na magkasama samantala nun tinatago pa, ano ba to? Planado para kompetensya dun sa ex?

Photo: Screenshot from Fashion Pulis

Sa tingin ko nung una kasi they were being careful. syempre start pa lang ng relationship, gusto muna nila sarilinin yung moments. pero sa mga separate posts nila before, ramdam ko yung gusto na din nila i-reveal pero they were being cautious like mga stories na di full ang shot or mga photos na cropped. and when they finally decided to be all out, ayan lumabas na gigil nila kaya sunod sunod ang posts (also infairness, di naman lahat sila nag post. yung ibang photos na naglabasan, not from them)

Photo: Screenshot from Fashion Pulis

Kasi 1215 nung wla pa silang photo na magkasama ang dami nilang bashers, medyo di rin ako kumbinsido sa kanila pati faneys ni Bea ayaw kay Dom. Pero nung may isang photo na magkasama sila, aba bumaliktad ang mundo, ang dami ng pumupuri sa kanila kasi bagay pala sila. Naging blooming c Bea lalo at fresh, di rin alangan ang baby face ni Dom kay Bea. Di na sya tinatawag na tita. Actually, bagay ang beauty nilang dalawa, mukhang magaan lang.

Photo: Screenshot from Fashion Pulis

Nakikipag-competition ba sila sa Jurald? Hindi naman ganito kaopen sa lovelife si Bea dati.

 Photo: Screenshot from Fashion Pulis


Friday, July 16, 2021

Bidyo ni Kuya Will at Kris Aquino na Kung Saan Naka-holding Hands Viral sa Tiktok

Views

Photo: Philnews.ph

 Alam naman natin na palaging nababanggit ni Kris Aquino si Willie Revillame sa kanyang social media accounts, dahil mababait ito sa kanyang mga anak lala na si Josh na panganay ni Kris.

 Matatandaang sa isang post ni Kris Aquino sa kanyang ay nagpasalamat ito dahil sa pagbibigay oras ni Willie bilang Tito kay Josh sabi pa ni Kris “ The material generosity from Willie is much appreciated, pero ito po yung nagpatunaw sa puso ko bilang mama ni Kuya Josh, dahil ang super favorite niyang si Tito Willie-- binigyan sya ng buong umagang bonding... sabay sila nag breakfast, nag walking, and nag swimming.”

Photo: Fashion Pulis


Photo: Rappler


Kaya naman hindi maitatangging close na close si Kris at ang mga anak nito kay Willie. Kaya naman hindi maalis sa isipan ng ilang netizens na masmainam na sila na lang dahil kung totoosin ay bagay na bagay sila dahil hindi lang lahat sila mayaman kundi lahat pa sila single at match na match din ang edad nilang dalawa.

Si Kris ay 50 na ngayon dahil ipinanganak siya noong 14 February 1971 at 60 naman si Willie na ipinanganak naman noong 27 January 1961 oh diba 10 years lang ang gap nila at di rin nalalayo ang mga karanasan nila sa showbiz dahil matagal na rin silang artista. 

Photo: Philnews.ph

Photo: ABS-CBN news

Anyway viral kasi sa Tiktok ang bidyo at larawan na kung saan nagiging sanhi ng paniniwala ng mga netizens na baka sila na nga dahil may mga larawan din na magka-holding hands sila at sa isang bahagi ay sinabi ni Kris na jojowain si Willie nang tanungin ito sa challenge na jojowain o totropahin. Sa tingin nyo bagay ba si Kris at Willie at aprub na sa inyo kung sakaling maging sila? 


Thursday, July 15, 2021

Binitawang Salita ni Vice Ganda Tungkol sa Face Shield Agad na Nag-viral!

Views

Photo: Screenshot from ABS-CBN Its Showtime

Viral agad sa social media ang mga katagang binanggit ni Vice Ganda sa It’s Showtime, kilala naman kasi si Vice sa mga prangkang mga joke niya at madalas talaga rito ay may mga laman ang mga binibitawan niyang joke. 

Alam naman nating magdadalawang taon na sa December simula noong nagkaroon tayo ng sakuna sa buong mundo at simula noong ay malaki ang naiba sa mga lifestyle ng bawat tao sa mundo at isa na rito ang pagsusuot ng mask at face shield. 

Photo: Screenshot from ABS-CBN Its Showtime

Photo: Screenshot from ABS-CBN Its Showtime

Photo: Screenshot from ABS-CBN Its Showtime


Naging mahigpit na rin na rule ito ng gobyerno na bawal lumabas na walang suot na face mask at face shield sa paniniwalang upang ma-avoid natin ang hawaan.

Pero isa sa mga pinakamahirap gampanan ng bawat isa ay ang pagsusuot ng face shield na talaga naman napaka-annoying dahil sa hirap ka na ngang huminga sa face mask dagdagan mo pa ng face shield kaya naman nahihirapan ang mga tao na makalanghap ng oxygen kaya naman yung may mga sakit sa puso ay nahihirapan talaga at isa pang nahihirapan ay ang mga motorista na kung saan minsan nagiging sanhi pa ito ng disgrasya.

Sa binitawang kataga ni Vice Ganda sa It’s Showtime ay maraming sumang-ayon at katunayan ay pinalakpakan pa ito ng mga manonood dahil sa isang candidate na nasira ang kanyang face shield sinabi ni Vice tanggalin na umano ito dahil wala naman daw ito purpose at kaya lang sinusuot ay para sumunod sa alintuntunin ng gobyerno. Kayo sang-ayon ba kayo na tanggalin na lang ang face shield at sapat na ang face mask? 



Groom, ‘Di Kinayang Pigilan Ang Tawa Matapos Lumobo ang Sipon ni Bride Matapos ang Wedding Vows

Views

 

Photo: John Alvin Torrente's Facebook account

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang tila larawan ng mga ikakasal na ito dahil hindi lang basta wedding ang naganap, kundi pati isa na rin sa hindi nila makakalimutan sa buong buhay nila.

Dahil ang bride ay ‘di raw napigilang lumobo ang sipon matapos sambitin ang wedding bow. Talaga namang ikinatuwa ito ng lahat.

Photo: John Alvin Torrente's Facebook account

Lalo na ang mga netizens na nakita at nalaman ang pangyayaring ito, dahil kahit nga naman sino’y ‘di aakalain na mangyayari ‘yun kahit mismo ang bride.

Umabot na nga agad ito sa 66,000 shares and 136,000 reactions and counting, mabilis nag-viral ang post na ito ni John Alvin Torrente.

Photo: John Alvin Torrente's Facebook account

Sabi ng groom:

"Alam niyo bang pag tapos ni Ijo bitawan yung wedding vow niya, lumobo yung sipon niya at mula nun di na ko nakinig kay father,"

"Tumawa na lang ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi niya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pwede na ikuwento.”

Photo: John Alvin Torrente's Facebook account


Mga Sagot ni Kisses Delavin sa Beauty Pageant Q and A Portion Viral, Siya na ba Next BB Pilipinas

Views
Photo: Kisses Delavin | (c) Dandy Belliza and YLC Digital Production 

Talaga namang kung beauty pageant ang pag-uusapan ay hindi magpapahuli ang Pilipinas dahil isa ang Pilipinas sa mga sikat na bansa na kung saan may bilang na may pinakamaraming nasukngkit na crown sa larangan ng beauty pageants internationally. 

Kaya naman ang mga kababaehan at mga trans na hilig ang beauty pageants ay kanya-kanyang insayo para balang araw ay maging representative din ng ating bansa at hindi lang iyan pati mga artista ay may ilan ding gustong maging beauty queen at sa katunayang maraming beauty queen na naging artista dahil sa beauty pageants na ito.

Photo: Kisses Delavin | (c) YLC Digital Production 

Photo: Kisses Delavin | (c) YLC Digital Production

Photo: Kisses Delavin | (c) YLC Digital Production

Photo: Kisses Delavin | (c) YLC Digital Production


Tulad na lang ni Bea Alonzo na nadiskobre ang talento at ganda dahil sa isang amature beauty pageant na kanyang sinalihan noong kabataan niya at ito ang dahilan kung bakit napaka-successful niya ngayon at isa sa mga may pinakamalaking talent fee na artista sa bansa at isa rin sa big star ng Kapamilya network na ngayo’y naging Kapuso na. 

Tulad ni Bea Alonzo isa ring dating Kapamilya ang viral ngayon sa Tiktok dahil sa kanyang mga sagot sa beauty pageant Q and A portion, viral kasi ngayon si Kisses Delavin sa Tiktok dahil sa ginawa ng kanyang fan na dalawang bidyo na kung saan sinagot niya ang mga mahihirap na tanong sa Q and A portion gaya ng mga tanong sa beauty pageants.

Photo: Kisses Delavin | (c) Dandy Belliza

Photo: Kisses Delavin | Onlykdd IG

Photo: Kisses Delavin | Kisses Delavin IG

Photo: Kisses Delavin | Onlykdd IG

Photo: Kisses Delavin | Kissesdarlings IG

Photo: Kisses Delavin | (c) Dandy Belliza

Matatandaang naging Kuya’s housemate si Kisses Delavin pero bago siya naging artista at makilala ay gumawa na siya ng pangalan sa kanilang lugar sa larangan ng beauty pageant, noong 2016 kasi ay nanalo siya bilang Miss Masbate at Miss Kaogma at sa exclusive interview sa kanya ng Push, inamin ni Kisses na childhood dream niya ang sumali sa major beauty pageants sabi pa niya “’yung mama ko pa ‘yung pagod na pagod kasi ang dami kong gustong salihan.” Anyway narito ang kanyang mga sagot na nag-viral sa Tiktok. 


Tuesday, July 13, 2021

Saleslady na Bisaya Hindi Alam na Kapwa Bisaya na Vlogger ang Nilait, Ginayuma Raw ang Foreigner na Asawa

Views
Photo: Ahern Family YT

Isang kilalang vlogger ang Ahern Family at sa katunayan ay may halos 700k na silang subscribers sa Youtube, at isa sa mga viral at naging usap-usapan na vlog nila ay ang sinapit ng ina ng tahanan nila sa Divisoria na kung saan may naganap na panglalait dahil sa inggit dahil nakapangasawa siya ng foreigner, anyway sinu-sino nga ba ang members ng Ahern Family? 

Photo: Ahern Family IG

Photo: Ahern Family IG

Photo: Ahern Family IG

Photo: Ahern Family IG


The Ahern Family is composed of American vlogger Brian Ahern, his Filipina wife Jodalyn, and their five kids Erica, Kathleen, Michael, Josephyn, and Braeden. This one big and happy family is based in Bohol. In their vlogs, they often feature the many different sights and activities found in the beautiful island province. They also let their subscribers see what goes on in their family life.

Sa vlog nila noong Sep. 1, 2018 na kung saan nag-shopping sila sa Divisoria sa Manila hindi nila lubos akalain na ang ina ng tahanan nila ay nakaranas ng panglalait mula sa isang saleslady na tinawag itong pangit at dahil na rin sa inggit dahil nakapangsawa ito ng American na si Brian. 

Photo: Ahern Family YT

Photo: Ahern Family YT

Photo: Ahern Family YT

Photo: Ahern Family YT


Ang hindi alam ng mga saleslady ay kahit bisaya ang pagkakasabi nito ay naiintindihan ito ni Jodalyn, sabi pa sa caption ng bidyo nila sa YT ay: Pumunta kami sa Divisoria 168 mall at nag vlog para sa youtube channel namin. While namimili kami bigla na lang akong diniscriminate ng saleslady ( I don’t know which one but nasa likuran ko siya at coworker niya yong mga nag pack. Tinawag niya akong pangit at hindi niya alam na nag video kami. Masakit isipin na kapwa filipino pa ang gagawa sayo ng ganyan.