Friday, July 16, 2021

Bidyo ni Kuya Will at Kris Aquino na Kung Saan Naka-holding Hands Viral sa Tiktok

Views

Photo: Philnews.ph

 Alam naman natin na palaging nababanggit ni Kris Aquino si Willie Revillame sa kanyang social media accounts, dahil mababait ito sa kanyang mga anak lala na si Josh na panganay ni Kris.

 Matatandaang sa isang post ni Kris Aquino sa kanyang ay nagpasalamat ito dahil sa pagbibigay oras ni Willie bilang Tito kay Josh sabi pa ni Kris “ The material generosity from Willie is much appreciated, pero ito po yung nagpatunaw sa puso ko bilang mama ni Kuya Josh, dahil ang super favorite niyang si Tito Willie-- binigyan sya ng buong umagang bonding... sabay sila nag breakfast, nag walking, and nag swimming.”

Photo: Fashion Pulis


Photo: Rappler


Kaya naman hindi maitatangging close na close si Kris at ang mga anak nito kay Willie. Kaya naman hindi maalis sa isipan ng ilang netizens na masmainam na sila na lang dahil kung totoosin ay bagay na bagay sila dahil hindi lang lahat sila mayaman kundi lahat pa sila single at match na match din ang edad nilang dalawa.

Si Kris ay 50 na ngayon dahil ipinanganak siya noong 14 February 1971 at 60 naman si Willie na ipinanganak naman noong 27 January 1961 oh diba 10 years lang ang gap nila at di rin nalalayo ang mga karanasan nila sa showbiz dahil matagal na rin silang artista. 

Photo: Philnews.ph

Photo: ABS-CBN news

Anyway viral kasi sa Tiktok ang bidyo at larawan na kung saan nagiging sanhi ng paniniwala ng mga netizens na baka sila na nga dahil may mga larawan din na magka-holding hands sila at sa isang bahagi ay sinabi ni Kris na jojowain si Willie nang tanungin ito sa challenge na jojowain o totropahin. Sa tingin nyo bagay ba si Kris at Willie at aprub na sa inyo kung sakaling maging sila? 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment