Sunday, July 4, 2021

Isang Aso ang Naluha Habang Binabawian ng Buhay Matapos Lasunin ng Mga Magnanakaw

Views

 

Photo: Wijaya

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang tila larawan ng isang aso na naluha habang binabawian ng buhay dahil sa ginawa sa kanya ng mga magnanakaw.

Marami ang halos nadurog ang puso matapos makita ang mga larawang ito at malaman ng istorya kung bakit nangyari ito sa aso.

Photo: Wijaya

Alam naman kasi nati na pwedeng-pwede silang maging kaibigan o kapatid dahil naipaparamdam nila sa atin ang totoong pagmamahal. Ilan sa pinaka magandang kaugalian ng mga alaga nating aso ay ang nagbibigay sa atin ng kaligtasan.

Photo: Wijaya

Base sa kuwento raw ng amo na si Achy Wijaya, isang gabi noon ay nang halos walang tigil sa pagtahol ang kanyang alagang aso.

Photo: Wijaya

At inakala niya na raw na baka mayroon lang itong nakikitang pusa at hindi na niya ito pinansin pa kaya naman bumalik na muli siya sa pagkakatulog.

Photo: Wijaya

Pero sa pagtahol daw pala ng aso ng gabing iyon ay tinataboy pala niya ang mga masasamang loob na dapat ay papasok sa bahay nila. 

At kinabukasan nga raw ay nagtataka si Wijaya kung bakit walang sumasalubong sa kanya at laking gulat na lamang nito na makita niya ang kanyang pinakamamahal na alaga ay nakahiga na sa sahig at nag-aagaw buhay na habang may luha ang mata nito.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment