Monday, July 5, 2021

Bata Nakiusap sa Pulis Upang Masilayan Lang at Mayakap ang Amang Nakakulong Inantig ang Puso ng Netizens

Views

 

Photo: Flavio Ang Panday

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang kuwento ng isang pulis na kung saan ay may isang bata na nakiusap sa kanya upang masilip lang ang kanyang ama na nakakulong.

Nakiusap pa nga raw ang bata na baka pwedeng palayain na ang kanyang ama dahil miss na miss na raw niya ito.

Photo: Flavio Ang Panday

Agad itong nag-viral sa social media at umabot na nga sa daang libo ang reactions nito dahil sa sobrang naantig na puso ng mga netizens.

Photo: Flavio Ang Panday

Mabibilib ka nga naman talaga sa batang ito dahil ‘di lahat ng anak lalo ay kayang gawin ang ganoong pakikiusap upang masilayan lang ang ama.

Photo: Flavio Ang Panday

Kuwento ng pulis:

Batang Chikiting:   Sir mamang Pulis... Pwede kopo bang mayakap ang aking papa??? Mis na mis ko napo kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?????
Me: naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika  para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling...
Ama ng bata:.  Salamat po sir, kahit paano naibsan ang aking lungkot...
Batang Chikiting: Salamat sir mamang Police....
Me: walang anuman.... Hayaan mo malapit na uwe papa mo basta magpakabait ka palagi ok...
Batang Chikiting::: babye po mamang Police...
(Umuweng masaya ang Mag- ina)
"Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami... Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw.
"PNP HUMAN RIGHTS is still a WAY OF LIFE"
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment