Thursday, July 1, 2021

Isang Sikat na Child Actor Noon, Ginulat Ang Netizens sa Buhay at Itsura na Niya Ngayon

Views
Photo: Boy Alano

Kamakailan ng pumukaw sa netizens ang tila mga larawan ng isang matandang lalaki na nag-viral sa social media dahil isa raw itong artista o child actor noon.

Marami ang nagulat sa hitsura na ng dating artista na ito, dahil sa nangyari sa sikat na child actor noong 1950s na si Herminio Alano o mas kilala sa kaniyang screen name na 'Boy Alano'. Nakatrabaho din niya ang ilang mga sikat na personalidad kagaya na lamang nina Rene Requiestas at Panchito Alba.

Photo: Boy Alano

Dahil kailan lang ay ibinahagi ng isang netizen sa kaniyang Facebook account ang kasalukuyang buhay ni Boy Alano. Ayon sa kaniyang post, si Boy Alano ay nakatira na lang daw sa isang garahe sa Barangay 398 sa Sampaloc, Manila.

Photo: Boy Alano

At nasabi rin sa post na nag-post nito ay ang kaniyang rason kung bakit niya ito ipinost ay dahil nais niyang malaman ng publiko ang tunay na buhay nito ngayon at para na din siya ay makahingi ng tulong sa mga ilang artista na nakatrabaho ni Alano noon nang siya ay sikat pa at nasa mundo pa ng showbiz.

Photo: Boy Alano

Photo: Boy Alano

At kung ‘di niyo alam ay siya rin ay naging isang Assistant Director ng pelikula na “Chetae Gandang Lalaki' na ginanapan ng komedyante at beteran na actor na si Joey De Leon. Bukod pa dito, gumanap na din si Alano sa maraming pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures noong 1950s katulad ng 'Roberta', “Anghel ng Pag-ibig', 'Rebecca', 'El Indio', 'Munting Koronel', 'Anak ng Espada', 'Maldita', at marami pang iba.

Narito ang interview sa kanya:

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment