Saturday, October 2, 2021

Ganito pala ang Trato ni Derek Ramsey sa Anak ng Fiancé niyang si Ellen Adarna | Pamamanhikan sa Siargao Island

Views
Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 



Ibinahagi ni Ellen At Derek ang kanilang little get-away kasama ang kanilang mga pamilya, Ramsey at Adarna, at pati mga kaibigang malalapit sa kanila.

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 

Nito lang nakaraang pebrero ng inanusyo ni Derek Ramsey at Ellen Adarna na sila ay nasa intimate relationship na kung saan marami ring nagulat dahil kakabreak lang ni Derek at ang kaniyang former girlfriend na si Andrea Torres. Bagama’t hindi rin natukoy kung ano ang cause of breakup ng dalawa. Pero mas lalong nagulat ang mga tao ng makalipas ang isang buwan bilang opisyal na magkasintahan ay inanunsyo agad ni Derek na nag-propose na siya kay Ellen sa mismong birthday nito. Sa pamamagitan ng instagram post ni Derek ay nalaman ng lahat na sila ay ikakasal na talaga.

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 


Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 


Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 

Isa sa mga lumang tradisyon ng mga pilipino pag ikakasal ay ang Pamamanhikan, kung saan ang lalaki ay pormal na hinihingi ang kamay ng babae sa harap ng mga magulang nito kasama ang kaniyang sariling magulang. Kaya sa latest uploaded vlog ng magkasintahan ay pinamagatan itong “Pamamanhikan” pero sa modernong paraan. Isang week long getaway na kasama ang pamilyang Ramsey at Adarna sa Isla Siargao.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Ellen ay may anak sa ex-boyfriend na si John lloyd Cruz. Sa kabila ng break-up ni Ellen at John lloyd, ang dalawa ay nananatiling civil para sa kanilang anak na si Elias Modesto.

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 


Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 



Makikita dito sa vlog kung gaano ka sweet si Derek at ang anak ni ellen na si Elias na tila’y mas maraming oras pa na magkasama silang dalawa kaysa kay ellen. Nagkukulitan ang future mag-ama at makikita naman din na inaalagaan ni Derek si Elias dahil sa closeness ng dalawa. Tito Derek naman ang tawag ni Elias sa kaniya.

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 


Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 



Makikita rin gaano ka cute at malusog ang batang si Elias pero parati parin itong binibitbit ni Derek at inaalsa kahit kita-kita na mabigat talaga ito. Tinuturuan niya ito kung paano mag surfing o mag balance sa surfing board. Tinuruan pa ni Derek si Elias na mag swimming subali’t sa murang edad nito, normal lamang talaga ang matakot sa mga malalim na tubig kaya may payo si derek para kay Elias na kuhang-kuha naman sa bidyo. Nang sinabi ni Elias na siya ay takot, agad naman siyang sinagot ni derek ng “it's ok to be scared you just have to try". Marami pang kakulitan ang nagawa ng dalawa na tila parang totoong ama na niya ito.

Photo courtesy: Derek and Ellen YT Channel 


Marami naman ang natuwa sa ipinakita ni Derek sa anak ng kaniyang mapapangasawa ngunit dapat lang talaga na magkasundo sila dahil magiging totoong pamilya na sila in due months.

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment