Tuesday, October 5, 2021

Gigi de Lana Kasama Palang Natutulog ang mga ka-bandang Lalake? | May Kanser pala ang Kaniyang Ina

Views
Photo courtesy: Karen Davila YT


Sa gitna ng pandemya, naging paborito ng mga tao na pakinggan ang mga song covers ni Gidget de Lana o mas kilala sa pangalang Gigi de Lana mula sa kaniyang Youtube Channel na The Gigi Vibes, dahilan ng pagkasikat niya ng husto.

Photo courtesy: Karen Davila YT

Pero bago naging isang sikat at kilalang mang-aawit si Gigi, naging isang kontender pala siya sa isang palaro sa It’s showtime kung saan naging semi-finalist siya subalit doon lamang nagtapos ang kaniyang journey sa Tawag ng Tanghalan.

Sa isang episode ng mga vlog ni Karen Davila sa kaniyang youtube channel, naging guest niya itong si Gigi kung saan binisita niya ito sa kaniyang mismong bahay at dito niya naabutan ang sikat na mangaawit na nakatira pala sa isang bahay kasama ang kaniyang mga ka banda at staff kasama na rin ang kaniyang nanay.

Photo courtesy: Karen Davila YT

Pag pasok palang ni Karen Davila sa bahay niya ay nagulat ito ng makita ang kutson sa sala ni Gigi. Paliwanag naman ni Gigi na dito natutulog ang kaniyang mga ka banda at staff na puros lalake kasi naka lock in silang lahat. Lalong nagulat si Karen ng mabanggit ni Gigi na kasama pala siya dito na natutulog. Ayon kay Gigi, wala itong malisya dahil pamilya na raw ang turing niya sa mga ito.

Photo courtesy: Karen Davila YT


Photo courtesy: Karen Davila YT


Photo courtesy: Karen Davila YT

Bata pa lamang si Gigi ay pangarap na niyang maging sikat na singer ngunit hindi ito naging madali para sa kaniya dahil sa murang edad ni Gigi ay nag hiwalay ang kaniyang mga magulang. Pilit nagsususmikap ang kaniyang nanay para mabuhay silang dalawa nang magsimula silang muli ni Gigi. Hindi man ito sinabi ng kaniyang nanay sa kanya, Ngunit ramdam ni Gigi na gusto nitong maging artista at singer ang anak para mabigyan ng magandang kinabukasan. Aminado naman siya na nagkaroon sila ng maraming utang para lang mapagpaaral siya ng kaniyang nanay. Tumutulong din siya sa pamamagitan ng pagsasali ng mga singing contest at ang perang pinapanalunan niya ay napupunta sa pangaraw-araw nilang pangangailangan. Ngunit hindi parin ito naging sapat kaya minsan nag uulam nalang sila ng Toyo para makakain sa isang araw.

Photo courtesy: Karen Davila YT



Sa dami niyang sinalihan na TV singing competitions, umabot siya sa punto na ayaw na niyang kumanta dahilan na minsan ay siya’y hindi nakapasa o nakuha sa mga auditions kagaya ng sa The X-factor at The Voice Philippines. 2019 ng sumabak siya sa Tawag ng Tanghalan, kahit siya’y hindi nanalo dito, masaya parin si Gigi dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging semi-regular sa isang noon-time show sa Abs-Cbn. Ngunit, sa gitna ng kasiyahan na ito, ito rin ang taon na nalaman nila na may Malubhang sakit pala ang kaniyang nanay; Stage 2 breast kanser. Ayong kay Gigi, nang malaman nila ito,gumuho ang kaniyang mundo ngunit hindi niya ito ipinakita sa kaniyang ina dahil gusto niya maging matatag para sa kanilang dalawa.

Photo courtesy: Karen Davila YT

Nang matanong ni Karen si Gigi kung ang pinakakatakutan ba niya ay ang pag mawala ang kaniyang nanay, ang sagot naman ni Gigi ay “Yes. Kasi Siya na lang yung meron ako ngayun.”

 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment