Saturday, October 23, 2021

Katotohanan sa unang anak SANA nina Alex Gonzaga at Mikee Morada

Views
Alex Gonzaga IG


Mainit pa rin ang balita tungkol sa pagka kunan ng TV host at social media influencer na si Alex Gonzaga nang mag post si Lolit Solis sa kaniyang instagram account tungkol dito,dahil noong nakaraang linggo lamang ay hindi pa ito batid ng karamihan kaya marami pa rin sa mga netizens ang nagulat at hindi makapaniwala sa balita ngunit nito lang hapon ng October 17, kinumpirma ni Alex ang kaniyang pagbubuntis at naglabas pa ito ng pahayag at detalye sa buong pangyayari sa kaniyang Instagram at Facebook account. 

Alex Gonzaga IG

Isiniwalat ng sikat na youtube vlogger na si Alex Gonzaga ang masakit na balita tungkol sa  pagdadalamhati niya kasama ang kaniyang pamilya sa kaniyang una sanang ipinagbubuntis.

Ayon sa kanya, dalawang buwan na ang nakalipas mula nang malaman niyang buntis siya ng kanilang panganay na anak ni Mikee. Pero three weeks ago na din pala ng nakatanggap siya ng tila’y pinakasakit na balita. 

Alex Gonzaga IG

Aniya, "Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).

"Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course.

"So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story."


Alex Gonzaga IG

Dagdag pa ni Alex na talagang nasubok ang pananampalataya nilang mag asawa sa Dios sa mga nakaraang araw. Kagaya ng ibang mag asawa na nakaranas ng kaparehang sitwasyon ay hindi din ito naging madali para sa kanila.

Ngunit matapos ang mga iilang masasakit na araw kakahintay ng resulta ay hindi na raw talaga nabuo ang embryo sa kaniyang sinapupunan kaya tuluyan na nilang isinara ang bahaging ito sa kaniyang pregnancy journey.

"The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.

"Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy."

"DON'T EVER LOSE HOPE"

Sa gitna ng malupit at mahirap na sitwasyong meron ang mag asawa, pinili raw nilang maging matatag para sa isa't-isa at ibahagi sa lahat ang pinagdadaanan nila upang mag silbing pag-asa sa ibang pang mag-asawa.

Alam din daw nilang makakabuo muli sila ng supling sa tamang oras. 


Alex Gonzaga IG

"We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you.

"To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope.

"It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal.

"Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation.

"He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire."

Alex Gonzaga IG

Winakasan naman ni Alex ang kaniyang post ng isang mensahe para sa kanilang panganay na anak sana:

"To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span."

Dagdag niya, "Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal."





Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment