Sunday, November 14, 2021

Xian Lim may Weird na Hilig na ‘di Alam ng Kanyang mga Fans

Views
Xian Lim YT

Sa kamakailang youtube bidyo vlog update ng Filipino actor, model, singer, host, blogger, filmmaker and professional basketball player na si Xian Lim noong nakaraang lingo lamang ay ang #AskKimXi kung saan sinasagot ni Xian kasama ang kaniyang girlpren na si Kim Chiu ang mga katanungan ng mga netizens galingan sa isang instagram poll ni Kim. Ngunit pumili lamang sila ng sampo na sasagutin nila.

Photo courtesy: Xian Lim YT channel

Karamihan sa mga katanungan ay tungkol sa romatikong nbuhay nila kagaya ng “Saan nagsimula ang tambalang KimXi?” Ito nama’y sinagot ni Xian Lim ng pagkukwento kung paano nabuo ang loveteam nila. Ito pala’y noong first ever collaboration nila sa isang pelikula noong 2011 sa palabas na My Binondo Girl Kung saan pinagbidahan ni Kim Chiu.

Photo courtesy: orangemagazine.ph

Photo courtesy: Amazingjingforlife.blogspot.com

Subalit may mga pagbabago pala sa plot ng palabas na ito kung saan naman sa hindi inaasahan na si Xian Lim ang naging Leading man ni Kim dahil sa lakas ng chemistry ng dalawang ‘to. Ayon sa dalawa ay tila’y parang naka tadhana na silang magkasama noon pa lang.

Ngunit maliban sa mga love questions para sa dalawa ay may isang katanungan na sino raw ang may pinaka weird na habit sa kanilang dalawa. Mabilis namang nakasagot si Kim at itinuro si Xian Lim. Ayon kay Kim, mahilig daw mangolekta si Xian ng mga lumang bagay o mga antique. Dagdag pa ni Kim na nangongolekta raw ito ng mga munikang nakakatakot ang pagmumukha. Kagaya ng kinuha ni Xian Lim at kaniya namang ipinakita sa harapan ng bidyo. At oo nga! Nakakatakot nga pala ang ito.

Photo courtesy: Xian Lim YT channel


Photo courtesy: Xian Lim YT channel


Photo courtesy: Xian Lim YT channel


Photo courtesy: Xian Lim YT channel

“Mahilig to mag collect ng mga antique. Andaming mga antique dito.”

“Mahilig siya sa lumang gamit. Lumang tao kasi ‘tong si Xian eh.”

“Tapus nag-cocollect din siya ng mga doll na yan oh. Madami yan sila.”

Nakipag-biruan pa ito’ng si Xian sa kaniyang girlpren habang inilapit ang munika sa pagmukha ni kim dahil alam niya’ng takot ito.  

“Ayoko wag mo iharap yan natatakot ako.” Ani ni kim habang nakikipagkulitan ang nobyong si Xian.

Kwento naman ni Xian na nong napanood niya ang interview ni kirsten dunst sa Architectural digest na kung saan si Dunst ay mahilig sa mga lumang bagay. Dito pala siya na impluwensyahan sa kagustuhan rin niyang mangolekta ng mga lumang bagay. Ayon pa kay kim na kapag pumupunta raw sila sa ibang bansa ay agad silang bumibisita sa mga vintage stores.

“Yung bahay ko kasi, napanood ko sa AD or Architectural Digest yung interview ni Kirstin Dunst. Mahilig siya sa mga lumang bagay- di naman antiques bsta lumang bagay.”

Ayon sa kaniya ang mga antiques ay mga bagay na magpaparamdam sa kaniya ng iba.”

“Things that make you feel things. As compared ngayun sa mga bagong bagay na puro perfect.”

“The imperfections makes you feel things. Yun.”

 

 

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment