Monday, December 20, 2021

Andi Eigenman, Viral ang Sinabi at Handang Ibigay Para sa Siargao na Sinalanta ng Bagyong Odette

Views

 

Photo: Team CelebriTV

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang tila sinabi ni Andi Eigenman na handa niya i-donate sa mahal niyang Siargao ang kikitain niya sa kanyang vlog.

Ang Siargao kasi ay ang kung saan naninirahan ang pamilya ng dating aktres na si Andi Eigenmann na talagang lubos na naapektuhan ng bagyong Odette kasama ang ilang kalapit na lugar gaya ng Cebu, Negros, Bohol, at Palawan.

Photo: Team CelebriTV

Buti nga raw ay na sa Manila ang buong pamilya ni Andi para um-attend ng kasal nang mangyari ang pananalasa ng bagyo.

Photo: Team CelebriTV

Kahit nga raw ang mismong bahay ng fiance ni Andi na si Philmar Alipayo ay hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyo ngunit maswerte pa rin daw sila dahil hindi ito natulad sa mga tirahan ng ibang residente na talagang nawasak.

Photo: Team CelebriTV

At kahit nga wala sila sa Siargao ay nagpo-post pa rin si Andi at Philmar ng mga updates patungkol sa nangyayari sa kanilang probinsya at para humingi na rin ng tulong para sa mga kababayang binabayo ng bagyo. Kaya nung tumigil na ang bagyo ay agad nang bumalik sina Andi sa Siargao Island para na rin magbigay tulong sa mga kapamilya at kaibigang nasalanta ng bagyo.

Kalagayan ng Siargao ngayon:

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment