Thursday, January 13, 2022

Andrea Brillantes, Nag-upload ng Bagong Iyak Daw na Video sa Tiktok Matapos Mag-viral ang Picture ni Seth Kasama Pamilya ni Francine

Views

 

Photo: Socmed

Kahapon lang matapos mag-viral sa social media ang tila mga larawan nina Seth Fedelin at Francine Diaz na kung saan ay kasama nina Francine si Seth sa kanilang family picture.

Makikita rin sa picture na may-solo picture pa si Seth kasama ang mama ni Francine at sa isa naman ay makikitang kasama naman ang mga kapatid ni Francine.

Photo: Socmed

Marami ang nagulat sa litratong ito dahil ang alam nga ng nakakarami ay si Seth at Andrea Brillantes ang nagkakamabutihan.

Photo: Socmed

Dahil ng alam naman natin na si Seth at Andrea ang magka-love team sa teleserye nila noong Kadenang Ginto, na kung saan ay kasama rin nila rito si Kyle Echarri na siyang katambal talaga ni FRancine.

Matapos nga mag-viral ang litrato nina Francine kasama ang family niya at si Seth ay talaga namang nabahala na sila sa kung ano ang magiging reaksyon ni Andrea rito.

Photo: Socmed

Maraming netizens ang gusto malaman ang reaksyon ni Andrea ngunit wala naman itong sinasabi na kahit ano man tungkol sa larawan ngang ito.

Ngunit kinabukasan at ilang minuto lang ang nakakalipas matapos i-post ni Andrea Brillantes ang kanyang bagong upload na bidyo sa Tiktok ay makikitang maga ang kanyang mata at tila ba parang bagong iyak ito.

Photo: Socmed

Marami nga ang nagkumento na napansin din nila na parang bagong iyak si Andrea kahit ang sabi niya lang ay bagong gising lang siya.

Narito ang video:

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment