Sunday, January 16, 2022

Estudyanteng Umakyat pa ng Bundok Hinimatay Makahanap Lamang ng Signal

Views

Larawan mula kay Genevie Gregorio

Walang mahirap para sa isang estudyante na may pangarap kahit gaano kahirap ang buhay ay kakayanin at gaano man kalayo ang paaralan ay pupuntahan para sa isang tao buo ang pangarap at punung-puno ng pag-asa sa kabila man ng kahirapan. 

Larawan mula kay Genevie Gregorio

Isang estudyante mula sa Madlang, Aklan ang pumukaw sa mga puso ng netizens dahil sa larawan niyang hinimatay sa pagod para lamang makahanap ng signal na kanya pang inakyat sa bundok at naging pamukaw sa mga netizens na akala mo’y kaybigat ng mga problema at di makuntento sa biyaya ng may kapal. 

Sa salaysay ni Genevie Gregorio, dahil nais talaga makapagtapos ng pag-aaral ng kanyang pamangkin ay napagpasyahan nilang akyatin ang bundok sa kanilang province dahil nagbabasakali silang makasagap ng signal sa tuktok ng bundok sa kadahilanang para makapagpa-schedule ang pamangkin nito sa nalalapit na scholarship exam ng Aklan State University. 

Larawan mula kay Genevie Gregorio

Larawan mula kay Genevie Gregorio

Nagsusumikap mag-aral ang kanyang pamangkin upang balang araw ay mai-ahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan dahil kapawa magbubukid ang kanyang mga magulang na siya ring dahilan upang sila’y makapag-aral na magkakapatid. 

“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan." ayon kay Genevie. 

"Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila.” dagdag niya. 



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment