Wednesday, February 2, 2022

Mag-asawa pinuri ng netizens matapos gawin ito sa matandang pulubi sa kalye

Views

 

Photo:  LJ Adop

Kamakailan ng mag-viral sa social media ang tila mag-asawa matapos bilhan ng damit at bihisan pa ang isang pulubi sa kalye.

At talaga nga namang hinangaan at pinuri ng netizens ang mag-asawa na nakitang tumulong sa isang matandang pulubi na hubo sa kalye.

Photo:  LJ Adop

Kuwento ng mag-asawa sakay nga raw sila ng kanilang motor at nakita nilang mag-asawa ang matanda na wala ni anumang suot at tila pinagtatawanan ng mga taong napapadaan dito.

Photo:  LJ Adop

"Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh."

Photo:  LJ Adop

Kinilala ang mag-asawa na si Wilfredo kasama ang kanyang asawa na si LJ Adop na una diumanong nakakita sa matanda.

Photo:  LJ Adop

Sobra ang awa raw na kanilang naramdaman sa matandang pulubi kaya hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ito kaya binilhan nila ito ng pagkain at damit na maisusuot.

Mabuti na lamang daw ay may malapit na ukay-ukay sa lugar at mabilis silang nakabili ng damit para kay tatay.

Narito ang post:

*Kanina habang paalis kami

 Me ; posh my nakita akong lalaki naka hubad as in walang damit.

*Pag balik name

Me; posh ayan sya oh .

 Posh ; wait posh . Bilhan nten damit san merun bilihan kahit ukay lang . Nakakaawa naman pinag tatawanan.

*Buti nlang may malapit na ukay store.

Thankyou Posh nakapabait mo talaga."


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment