Friday, February 11, 2022

Toni Gonzaga Pinunasan daw ang Kili-kili ng Tissue Saka Ibinato sa Mukha ng Lalaking Nag-o-OJT

Views

Larawan Mula sa IG ni Mark Ghosn at Toni G

Talaga naman hot topic at laman ng mga balita sa socmed ngayon si Toni Gonzaga, ito ay pagkatapos suportahan ang isang kandidato na hindi kandidato ng kanyang home network, trending kasi si Toni Gonzaga nang mag-host ito sa isang kandidato na kanya pang ninong. 

Dahil sa hindi ito matanggap ng kapwa artista sa kanyang home network ay ipinapa-cancel culture ng ilang netizens at kapwa artista si Toni Gonzaga, sabay naman lumabas ang mga issue sa kanya na hindi alam kung totoo o gawa gawa lamang. 

Mark Ghosn at Toni G, larawan mula sa Fashion Pulis

Pagkatapos mag-trending ni Toni may mga kapwa artista siya na binabatikos ito isa na rito ang ex-PBB housemate na si Dawn Chang na nagpakita na kung gaano raw ito na-disappointed sa ginawa ni Toni Gonzaga at lumabas na rin ang ilang issue sa kanya na nangyari daw noon gaya na lang ng isang theatre actor na naglabas ng sama ng loob sa ginawa sa kanya ni Toni Gonzaga. 

Usap-usapan kasi ngayon ang theatre artist na si Mark Ghosn dahil sa karanasan daw niya noong nag-o-ojt siya sa kamay ni Toni Gonzaga na kung saan hinding hindi raw niya makakalimutan ang ginawang pangmamaliit at pambabastos raw ni Toni Gonzaga sa kanya noong nag-o-ojt siya. 

Larawan Mula sa IG ni Mark Ghosn

Larawan Mula sa IG ni Mark Ghosn

Sa kwento ni Mark Ghosn ay OJT days daw niya ito at wala raw available na intern that time at may mall show kaya siya na lang daw ang kinuha ng manager niya, pumayag naman daw siya dahil idol niya si Toni Gonzaga at nabigla raw siya kung gaano ka maldita si Toni. 

Kakarating pa lang daw ni Toni that time kaso bad trip daw ito dahil namamawis ang kanyang kili-kili kaya naman binigyan daw ni Mark si Toni ng tissue pero hindi nag-thank you at nung inabot daw ang mic kay Toni G ay ibinato sa kanya ang tissue na ipinunas nito sa kanyang kili-kili kaya raw na-shock siya, ito raw di umano ang hinding hindi niya makakalimutang pangyayari na ginawa sa kanya ni Toni G. 

Larawan mula kay Mark

Larawan mula kay Mark

Larawan mula kay Mark Ghosn


Narito naman ang say ng mga netizens sa sinabi ni Mark: 

Larawan mula sa Fashion Pulis

Larawan mula sa Fashion Pulis

Larawan mula sa Fashion Pulis





Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment