Sunday, March 6, 2022

Latest Update sa Kaso ni Tangmo Karumaldumal daw ang Nangyari at Hindi raw Tugma-tugma ang Salaysay ng mga Kasama Nito

Views

Larawan mula sa IG ni Tangmo at Tiktok ni P’ekojjang

 Talaga namang ikinagulat ng marami lalo na ang mga taga Thailand ang pagpanaw ng Thai actress na si Nida Patcharaveerapong o kilala rin sa pangalang Tangmo, ang katawan ng 37-taong ng Thai actress ay natagpuan sa ilog ng Chao Phraya River pagkatapos maibalitang nahulog ito sa boat at nalunod. 

Pati sa China kung saan naging kilala rin si Tangmo dahil sa palabas nitong “Bai Mai Tee Plid Plew” na ipinalabas din sa China noong 2019, naging sikat sa China si Tangmo dahil ang palabas niyang iyon ay pumatok sa China kaya naman laking gulat ng mga fans nito sa China nang mabalitaan ang nangyari sa kanya. 

Larawan mula sa IG ni Tangmo

Larawan mula sa IG ni Tangmo


Naging patok kasi sa Weibo at Xiaohongshu social platform ang kanyang palabas at nagmistulang tulay na rin para masmakilala pa ang mga Thai TV series sa China at pati na rin kay Tangmo na talaga namang gumawa ng pangalan sa pinakamalaking bansa sa mundo na China kaya naman malungkot ang mga fans ni Tangmo sa China nang mabalitaan ang biglaang pagpanaw nito.

Pagkatapos ibalitang nahulog ito sa bangkang sinasakyan at nalunod ay hindi agad nakita ang katawan nito at sa katunayan ay umabot pa ng dalawang araw bago makita ang kanyang katawan sa the Rama VII Bridge sa Nonthaburi province, ayon sa report ay nahulog daw sa likod ng bangkang sinasakyan ang Thai actress at dahil daw sa lasing ang mga kasama ay halos 25 minutes bago pa nila mapansin na nawawala na si Tangmo.

Larawan mula sa IG ni Tangmo

Larawan mula sa IG ni Tangmo

 

Pero maraming nagrereklamong fans ni Tangmo dahil hindi raw makatarungan ang paliwanag ng kanyang mga kasamahan sa nangyari kay Tangmo dahil hindi raw kapanipaniwala ang kanilang katwiran at batay rin sa natagpuang katawan ni Tangmo ay hindi ito itsurang nalunod lamang dahil bakas sa katawan nito na parang sinaktan ito bago tuluyang pumanaw. 

Nagbigay naman ang isang kababayan natin kung ano ang update sa kaso ni Tangmo at ayon sa kanya ay base sa report ay hindi raw tugma-tugma ang mga salaysay ng mga kasamahan ni Tangmo kaya naman maslalo pang pinag-iisipan ng mga fans ni Tangmo na hindi raw aksidente ang mga nangyari. Panoorin ang naturang bidyo. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment