Tuesday, March 29, 2022

Melai Kakasuhan na ang Basher na Dinamay ang Kanyang Anak Seryoso Pala Siya sa mga Banta Niya

Views

Larawan mula sa IG ni Melai Cantiveros

 Mukhang seryoso talaga si Melai Cantiveros sa mga banta niya sa mga nambabatikos sa kanya na pati kanyang mga anak ay dinadamay, matagal nang nagbabanta si Melai Cantiveros sa mga basher na ok lang i-bash si Melai wag lang idamay ang kanyang mga anak at ito ang paulit-ulit na sinsabi ni Melai sa kanyang social media i-bash na siya wag lang talaga idamay mga anak niya dahil sa husgado ito makakarating. 

Nito lang kasi mainit ang pangalan ni Melai at dumami ang nangbabatikos sa kanya pagkatapos magsalita ni Melai na pagaakusang magnanakaw ang pamilya nito sa isang kandidato na tumatakbo sa pagkapangulo, kaya naman nagresulta ito ng malaking kabawasan sa mga taga suporta ni Melai lalo na yung mga taong idolo si Melai ngunit kandidato nila ay iyong binatikos din ni Melai. 

Larawan mula sa IG ni Melai Cantiveros

Kaya naman sa comment section ng mga social media account ni Melai ay maraming nangbabatikos dito kaya naman pati mga anak rin ni Melai ay nadadamay na, katwiran ng mga bashers ay dahil dinamay din naman ni Melai ang buong pamilya noong sinusuportahang kandidato ng mga taong binabatikos ngayon si Melai kaya patas lang daw ito para sa kanila para raw maramdaman di ni Melai ang feeling na napagsasalitaan ng masasakit na salita. 

Dahil dito binantaan na ni Melai ang isang basher na over the belt na magsalita sa mga anak ni Melai at hindi raw titigil si Melai hanggat sa hindi nakakasuhan ang basher na na sobra magsalita sa kanya at sa mga anak nito ng masasakit na salita. 

Kaya ngayon sa IG-story ni Melai ay nakitang may pinaghahandaan ito dahil ayon sa kanyang IG-story ay may hawak-hawak si Melai na compliant sheet kaya naman hudyat ba ito na buo na ang pasya ni Melai upang kasuhan na nang tuluyan ang basher na nagsalita ng masama sa kanyang mga anak? 

Larawan mula sa IG ni Melai Cantiveros

Kaya kaya ni Melai alamin kung sino ang taong nasa likod ng account na nam-bash sa kanya at sa kanyang mga anak? Sigurado kaya si Melai kung legit ang taong nasa picture nong nam-bash sa kanya dahil kung hindi sigurado si Melai at wala siyang sapat na katibayan o di rin niya alam kung sino ang taong nasa likod ng account na iyon ay magiging useless din ang compliant ni Melai. 

O di kaya’y nanakot lang si Melai para tigilan na siya ng kanyang mga bashers? Anyway kahit ano pa man mahirap mahanap ang taong nagtatago sa isang fake account kaya malamang sa malamang ay maibabasura rin ang kaso dahil sa kakulangan ng impormasyon kung ‘di rin alam ni Melai ang tao sa likod ng account na nang bash sa kanya. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment