Wednesday, March 16, 2022

Netizens Nabighani sa Gwapong Taga Hukay ng Posonegro Nang Mabigyan ng Makeover ng Isang Vlogger

Views
Larawan mula sa YT ni Richard Strandz

Ang makeover sa isang tao ay sadyang nakakapagbigay ng confidence sa isang tao lalo na kung hindi naman siya nag-aayos ng sarili dahil na rin sa kahirapan ng buhay ay maraming pinoy ang hanggang pangarap na lang na makasuot ng magarang damit at makita ang sarili na tulad ng dadalo sa isang malaking event na kung saan naka-fully makeover. 

Kaya naman may isang vlogger na kung saan napakaganda ng kanyang contents dahil ang tema ng kanyang mga vlogs ay mag-transform o mag-makeover ng mga pinoy na kapus-palad at never naranasan makapag-suot ng magarang damit at mabigyan ng makeover. 

Larawan mula sa Tiktok ni Richard Strandz

Ito naman ang adhikain ni Richard Strandz na kung saan binibigyan niya ng pgakakataon na ang isang kapos-palad na pilipino ay kanyang binibihisan at maiparamdam sa kanilang kung ano ang experience na magkaroon ng photoshoot at maging modelo sa kanyang vlog, dito nakikita ang transformation ng kanyang mga mini-makeover. 

Isang taga hukay ng posonegro na may lahing French ang nabigyan ng pagkakataon ng vlogger na si Richard Strandz na mabigyan ng photoshoot at makeover, nagkataon din kasi na habang nagpapa-renovate ng bahay ang vlogger na si Richard ay naging taga hukay din ng posonegro nila ang half Pinoy half French na binatilyo ang kanyang naging taga hukay ng posonegro. 

Larawan mula sa YT ni Richard Strandz

Kaya naman habang nag-vo-vlog si Richard sa kanyang pinapa-ayos na bahay ay nakuhanan din ng bidyo ang binatilyo at napansin ni Richard ang artistahing mukha ng naghuhukay ng kanilang posonegro kaya naman naisipan ni Richard na i-makeover na lang siya at gawing subject sa kanyang vlog na kung saan nagta-transform ng mga kapos-palad. Narito ang bidyo at panoorin natin. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment