Saturday, April 9, 2022

Biglaang Pagkawala ni Kisses Delavin sa Socmed Pagkatapos Mabigo sa MU Philippines Saan na nga ba Siya!

Views
Larawan mula sa IG ni Kisses

Kamakailan lang ay naging usapin sa isang trending topic sa Twitter ang pangalan ni Kisses Delavin dahil sa kagagawan ng kanyang mga solid fans dahil sa pagkaka-miss nila sa Kapuso Actress na si Kisses dahil daw sa pagiging “missing in action nito.”

Kapansin-pansin kasi ang tila biglaang pagkawala nito lalo na sa kanyang mga social media accounts na kung titingnan o bibisitahin mo ang kanyang IG account ay makikitang ang huli pa niyang post ay may kinalaman sa Miss Universe Philippines 2021 na kung saan naging top10 finisher siya at alam naman natin na may katagalan na kaya naman hinahanap siya ngayon ng kanyang mga solid fans.

Ayon sa source pagkatapos kasi na mabigong masungkit ni Kisses ang crown bilang Miss Universe Philippines 2021 at mabigong makarampa internationally at maging representative ng Philippines ay tila nagpahinga muna ito at umiwas muna sa spotlight. 

Larawan mula sa IG ni Kisses


Matatandaang bago manalo si Kisses sa isang reality show sa Kapamilya network ay ipinangako niya sa kanyang mga magulang na bibigyan muna niya ng pansamantalang oras ang showbiz pero babalik din siya sa pag-aaral. 

Kaya naman bago siya lumipat sa Kapuso network ay sinabi na niya sa mga taong umaalok sa kanya ng mga projects ay aayusin muna niya ang kanyang schedule dahil nag-aaral siya at sa katunayan ay humahabol siya bilang dean’s list kaya malamang sa malamang ay focus muna sa pag-aaral si Kisses pagkatapos niyang mabigong masungkit ang crown sa MUP. 

Sabi rin ng kanyang mga fans ay ugali talaga ni Kisses na hindi ma-share sa social media sa madaling salita gusto niya ng privacy at makikita naman sa kanyang IG account na hindi personal na buhay o ginagawa niya daily ang kanyang ibinabahagi kundi related lang sa kanyang work. Para malaman pa ang ibang detalye panoorin lamang ang bidyo, 




Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment