Tuesday, April 5, 2022

Hipon Girl Herlene Budol Nag-sorry na sa Ginawa Niyang Aksyon kay Alden Richards

Views

Larawan mula kay Hipon Girl Tiktok

May mga pagkakataong sa sobrang paghanga mo sa isang tao ay may nagagawa kang di mo inaakala na below the belt na pala, lalo na’t nakasanayan mo ay ang pagiging kwela at dahil madalas mo rin napapanood ang isang sikat na tao sa TV o internet ay kapag nakita mo sa personal ay madalas na dadala ka at akala mo close na close na kayo dahil nga madalas mo siyang napapanood. 

Naging usapin kasi nito lang ang ginawang aksyon ni Hipon Girl Herlen Budol kay Alden Richards na talaga namang umani ng batikos sa ilang netizens dahil sa nakaw-halik umano ni Herlene kay Alden na makikita naman daw sa bidyo na sa pangalawang paghahalik ni Hipon ay umiiwas na si Alden dahil siguro sa ‘di naman sila close ni Hipon ay umiwas si Alden o di kaya’y nagulat lang din ang aktor sa ginawa ni Hipon kaya naging awkward na kay Alden ang ginagawang pang-ki-kiss ni Hipon sa

Larawan mula kay Hipon Girl Tiktok

Masasabing biro lang o pag hanga lang ang halik na iyon para kay Hipon Girl pero sa malalaking artista na gaya ni Alden ay nararapat lamang na umiwas siya dahil may inaalagaan siyang pangalan at ayaw niya masangkot sa ano pa mang isyu kaya naman sa unang kiss ni Hipon ay okay lang kay Alden dahil alam naman natin kiss lang yun bilang pag hanga o bilang biro dahil alam naman natin na komedyante itong si Herlene pero sa pangalawang beses ay iba na ang dating kaya naman makikita sa bidyo na kahit naka-smile si Alden ay halatang naging awkward ito para sa kanya. 

Larawan mula sa Twitter ni Hipon

Hindi naman naging mapagmataas si Hipon Girl at good thing naman ay humingi siya ng sorry kay Alden at sa mga fans nito at sakatunayan ay ipinost niya sa kanyang social media account ang paghingi nito ng sorry sa aksyon na ginawa niya at hindi man daw nakuhanan sa bidyo ay nag-sorry daw umano siya kay Alden pagkatapos nitong i-kiss at nagpaalam din daw siya. Ganun pa man ay hindi rin maiiwasan ni Hipon na batikusin siya ng mga fans ni Alden at ilang netizens. Panoorin ang bidyo. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment