Tuesday, April 5, 2022

Marian Rivera Diring-diri Pala Kay Dingdong Dantes Noong First Time Nila Mag-meet sa Marimar

Views
Screenshot mula sa YT Channel na The Celeste Tuviera Channel The Celeste Tuviera Channel 

 Lahat naman ng relasyon o yung legit na relasyon na nauwi sa kasalan ay may nakakatuwang kuwento sa kabila ng pagkakatuluyan ng isang magkarelasyon o mag-asawa, maraming mag-asawa na hindi naman nila gusto ang isa’t isa noong una pa lamang sila nagkita pero nauuwi sa isang magandang pagkakaibigan at eventually nagkakatuluyan. 

Sabi nga nila ang magandang relasyon ay nagsisimula sa pagkakaibigan at na-de-develop sa isang magandang relasyon at sa katagalan ay sa sobrang sanay niyo na isa’t isa ay di niyo na kayang mag-function na wala ang isa’t-isa. 

Gaya na lang na kwento ni Marina Rivera kung paano sila nagsimula ni Dingdong Dantes, sa katunayan hindi type ni Marian itong si Dingdong at tinawag pa niya itong kambing sa una nilang meet noong nag-audition si Marian sa Marimar. 

Screenshot mula sa YT Channel na The Celeste Tuviera Channel The Celeste Tuviera Channel

Screenshot mula sa YT Channel na The Celeste Tuviera Channel The Celeste Tuviera Channel

Sa sobrang focus ni Marian never niyang inisip kung sino ang magiging leading man niya ang nasa isip niya ay kung paano niya makukuha ang role na bilang Marimar. Sa sobrang eager ni Marian makuha ang role ay nag bathing suit pa siya na never pa niya ginawa sa buong buhay niya.

Hanggang sa nakuha niya ang role na Marimar pero never din sumagi sa isip niya na ang cute ni Dingdong mga ganung bagay dahil ang nasa isip ni Marian ay kung paano niya magaganap at mai-arte ang character ni Marimar, basta trabaho lang daw na nasa isip nilang dalawa ni Dingdong Dantes. Dagdag pa ni Marian ay walang spark at walang magic ang unang pagtatambal nila ni Dingdong basta focus lang sa work walang kilig-kilig na nagaganap. 

Sabi pa ni Marian close-hate-person niya ang kagaya ni Dingdong, hindi raw sukat akalain ni Marian na si Dingdong ang mapapangasawa niya kasi never niya raw naging tipo ang kagaya ni Dingdong na dati’y mahaba pa ang balbas kaya nga kambing ang tawag niya kay Dingdong at para sa mga mata ni Marian ay di gwapo si Dingdong. Panooring ang nakakakilig at nakakatuwang kwento ni Marian. 



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment