Sunday, April 3, 2022

Nadine Lustre May Inaming Isang Influencer na Ninanakawan Siya at Kanyang mga Kasama

Views

Larawan mula sa YT channel ng RawrNation 

 

Hindi talaga maiiwasan na sa bawat magkakaibigan ay may isang naiiba, yung kaibigan na akala mo ay mapagkakatiwalaan dahil na rin mga pakikisama nila sayo na akala mo totoo kaya naman bilang kaibigan nararapat lamang na kahit papaano ay pagkatiwalaan mo sila. 

Ngunit dahil na rin pagtitiwala o too much trust ay marami na ring pagkakaibigan na nasira dahil may mga tao talaga na kahit nakikita nila na pinagkakatiwalaan ka ng isang tao gagawin nila ay ita-take advantage pa nila ito upang makaisa sila sayo na hindi man lang inisip yung magiging resulta ng kanilang mga aksyon. 

Larawan mula sa YT channel ng RawrNation 

Gaya na lang ng ibinahagi ni Nadine Lustre na ikinagulat ng maraming netizens, dahil hindi naman talaga aakalain ng marami na ang isang Nadine Lustre ay magkakaroon pa ng kaibigan na kaya rin siyang gawan ng masama, may ibinahagi kasi si Nadine sa kanyang latest interview na tungkol sa isang kaibigan na hindi niya akalain na gagawan siya ng ganung bagay. 

Inamin ni Nadine Lustre na minsan ay nawalan siya ng pera at nagkataon din na yung kaibigan niya na ‘yon ay siya lang ang nanggaling sa room na kung saan doon nakalagay ang pera ni Nadine pero nawala ito kaya naman pinaghinalaan niya itong kaibigan niya na influencer, na-confirm na lamang niya na hindi lang pala siya ang ginagawan niya ng ganoong bagay dahil pati na rin ang ilan nilang mga kaibigan ay napaganakawan na rin nitong taong hindi pinangalanan ni Nadine. 

Pero nagkaroon naman ng hint ang mga kaibigan nating mga Marites dahil nabanggit ni Nadine yung word na “she” kaya naman paniguradong babae itong sinasabi ni Nadine Lustre, sinubukan naman ng interviewer na i-name drop daw ni Nadine kung sino ito pero tumanggi si Nadine dahil sabi niya nakaraan na raw ‘yon. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment