Wednesday, April 20, 2022

Pokwang Hindi na Nakatiis Gustong Idemanda ang Nanglait sa Kanyang Anak

Views

Larawan mula sa IG ni Pokwang

 Sa mundo ng social media lalo na kapag kilalang artista ka, marami kang titiisin at haharaping hamon sa mga trolls o mga taong gumagawa ng dummy account para mang-bash ng mga artistang hindi nila gusto, aminin na natin na may mga pilipinong walang ginawa kundi ang sayangin ang oras para makialam sa buhay ng iba. 

Lalo na sa panahon ngayon na uso ang pagiging marites kaya naman ang iba ay todo effort para maspanindigan pa ang pagiging marites nila umaabot pa sa point na ang tanging libangan na lang nila ay ang makialam sa buhay ng mga artistang ayaw na ayaw nila. 

Ang ugali pa ng mga trolls na ito ay ang atakihin ka sa alam nilang paraan at kahinaan mo para maslalo kang masaktan sa pamumuna nila, at ito ang itsura, kapag hindi ka nila masaktan sa ibang bagay aatakihin nila ang itsura mo o ang sa tingin nila parte ng katawan mo na puwede nilang laitin. 

Nauna na riyan si Melai Cantiveros na dahil alam nilang masasaktan pag ang mga anak niya ang i-bash at laitin kaya ito ang pamamaraan nila para masaktan ka emotionally, ang kapamilya mo o ang anak mo ang lalaitin nila dahil kahinaan ng ina ang anak. 

Larawan mula sa Twitter acc. na @pokwang27

Larawan mula sa Twitter acc. na @pokwang27


Sumunod naman ngayon ang anak ni Pokwang na alam naman natin kung gaano kamahal ni Pokwang ang kanyang baby girl na hindi na rin pinalagpas ng mga trolls at dinamay na rin para lang masaktan nila si Pokwang ng malala. 

Kaya naman hindi nakapagpigil pa si Pokwang dahil para sa kanya gaya rin ni Melai bilang ina ayos lang na sila ang laitin at i-bash wag lang idamay ang kanilang mga anak, dahil lahat ng ina ay hindi papayag na laitin ang kanilang mga anak, kaya naman nagpahiwatig na kakasuhan ni Pokwang ang nanglait sa kanyang anak. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment