Monday, April 11, 2022

Seth Fedelin Nagsalita na sa Nabalitaang Magkasintahan na si Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Views

Larawan mula sa Live ni Seth sa kanyang IG

Pagkatapos mag-viral ng bidyo na kung saan inanunsyo ni Ricci Rivero ang totoong namamagitan sa kanila ni Andrea Brilantes ay samot saring komento ang bumuhos sa bidyong nag-viral sa socmed.

Umulan ng mga komento na kung saan marami ang kinilig, marami ang natuwa at nag-congrats, may komento rin na kinilig and at the same time nalungkot dahil paano na raw si Seth at marami ring nainis dahil sa kawalan daw ng sincerity ng Ricci dahil parang hindi raw seryoso sa kanyang ginawa na ang bilis ng pangyayari. 

Larawan mula sa Live ni Seth sa kanyang IG

Mayroon ding nakapansin na parang pinagusapan na ang pangyayari dahil may nakahanda ng shirt at may nagsabi rin na palabas lang dahil karamihan sa mga young star ay bawal magkaroon ng jowa dahil kadalasan ay nakasaad ito sa kontrata lalo na sa mga products na iniindorso nila.

Pero lahat ng komento na yan ay galing sa mgha netizens na may kanya-kanyang opinyon at dahil din sa mga negative na komento na kung saan nababasa rin ni Seth Fedelin ay naging dahilan ito para magsalita na dahil hindi na niya matiis ang kanyang mga nababasang negatibong komento. 

Larawan mula sa Live ni Seth sa kanyang IG

Pagkatapos kasi mag-viral ang bidyo ni Ricci at Andrea ay marami ring negatibong komento kaya naman para wakasan na ang isyu ay nagsagawa ng live si Seth sa kanyang IG account at dito hindi siya nagsalita para ipagtanggol ang sarili niya kundi nagsalita siya para ipagtanggol si Andre na friend daw umano niya at si Ricci. 

Sabi pa ni Seth sa kanyang live “ Ako po wala po akong galit, ang meron ako tuwa. Deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganung bagay, na ipagsigawan s'ya sa publiko. Kaya happy po ako, wala akong any negative na nararamdaman.” Para mapanood ang buong live ni Seth panoorin lamang ang bidyo sa ibaba. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment