Monday, April 25, 2022

Sinabi Noon ni Ms. Manila na “Kahit Magpa-pageant ang Nanay mo di ka Qualified” kay Hipon Girl Muling Nag-viral

Views

Larawan mula sa Wowowin YT Channel

Dahil naging usapin ngayon ang pangalan ni Herlene Nicole Budol o Hipon Girl dahil sa kumalat at nag-viral na kanyang mga larawan na talaga namang biglang naiba ang kanyang kagandahan na hinangaan naman ng mga netizens dahil ‘pag inayusan pala ito ng tulad sa mga beauty pageants ay talaga namang lumulutang ang kanyang kagandahan. 

Larawan mula sa Wowowin YT Channel

Larawan mula sa Wowowin YT Channel


Para sa nakakarami ang “Hipon Girl” ay screen name lang talaga niya dahil sa totoo lang ay maganda talaga itong si Nicole at hindi totoong maganda lang ang kanyang katawan pero hindi ang mukha, nagkataon lang talaga na ang kanyang personality ay ang pagiging kwela at trabaho niya bilang isang host ay ang magpatawa kaya naman ang kanyang beauty ay hindi match sa kanyang ugali. 

Pero ngayong pinatunayan niya na sa pagiging image na Hipon Girl gusto naman daw niya ipakilala ang image niya bilang Nicole, dahil tawag sa kanya sa kanilang lugar ay si Herlene kwela ang ugali at sa TV naman ay Hipon Girl na komedyante gusto naman daw niya na makilala ng mga tao ang isang Nicole na lumalaban sa beauty pageant. 

Larawan mula sa Wowowin YT Channel

Larawan mula sa Wowowin YT Channel


Dahil pumasa si Nicole sa screening ng BB. Pilipinas 2022 kanyang pinatunayan na sa mga nagsasabi na hindi qualified ang isang Hipon Girl sa mga ganitong prestihiyosong beauty pageant kanyang napatunayan na nagkakamali sila dahil sa dami ng umattend sa screening at pumasa si Nicole ay masasabi nating nagkakamali ang mga taong nagsabi sa kanya ng na masyadong mababa ang standard niya para maging qualified sa ganitong beauty pageant. 

Dahil sa pagkapasado ni Nicole sa screening ng BB. Pilipinas at napatunayang ang kagaya niya ay qualified sa ganitong beauty pageant muling nabuksan at naalaala ng mga netizens ang bangayan dati ni Hipon at si Miss Manila sa Wowowin noong December 19,2020 na kung saan nakatanggap si Nicole ng pangmamata sa kagaya niya. 

Larawan mula sa FB page ni Nicole
Larawan mula sa FB page ni Nicole



Hindi man ipinahalata ni Hipon na na-hurt siya sa mga binitawang salita ni Miss Manila sa kanya na kung saan sinabihan nito na “Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila ‘di ka qualified” at dagdag pa ni Miss Manila na hindi daw kasi tanggap ang mga kagaya ni Hipon dahil masyadong mababa ang standards nito kaya naman viral ang isang bidyo sa Tiktok na kung saan muling ipinakita ang sinabi na ito ni Miss Manila kay Nicole. 

Bagamat ang bangayan nila ay para lang sa show at sa huli ay nagkabati rin sila, ngunit that time ay umani rin ng maraming pang-ba-bash si Miss Manila at kalaunan din ay nawala na ang isyu, narito ang bidyo. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment