Sunday, May 29, 2022

Baby Talk o Pabebeng Pananalita ni Andrea Brillantes Umani ng Samot-saring Komento sa mga Netizens

Views

Screenshot mula sa YT ng Thepader

 

Pagkatapos ng matinding isyu na kinaharap ng young actress na si Andrea Brillantes dahil sa mga tweet niya at sa mga pekeng tweet na rin na ginawa ng mga netizens ukol sa kanya talaga namang laman ng social media ang pangalan ng young actress at dahil na rin sa naaapektohan na ang kanyang imahe bilang isang artista at product endorser minabuti ng kanyang management na aksyunan na ang kumakalat na mga pekeng tweet at nagbabala na may kaukulang aksyun na para sa mga naninira sa young actress. 

Dahil sa isang sikat na artista si Andrea Brillantes at maraming produktong ini-endorse ay nararapat lamang na aksyunan na talaga ng kanyang management ang mga gumagawa ng mga pekeng tweet na posibleng magresulta ng pagkawala o pag-atras ng mga kompanyang ipinagkatiwala kay Andrea Brillantes ang kanilang produkto. 

Screenshot mula sa YT ng Thepader

Screenshot mula sa YT ng Thepader

Simula noong inaksyunan ng management ni Andrea Brillantes ang mga gumagawa ng mga pekeng tweet ay nagsimula na rin mawala ang mga isyu at mga gumagawa pa ng mga pekeng tweet at unti-unti na rin kumalma ang mga isyu na ibinabato sa kanya.

Pero ngayon may viral naman na bidyo ang kumakalat sa mga social media platform na kung saan isang netizen ang kumuha sa kanila ng bidyo habang nasa Siargao sila ng kanyang boyfriend na si Ricci Rivero at umani naman ng samot-saring reaksyon at komento ang naturang bidyo. 

Hindi na raw kasi naayon ang pananalita ni Andrea Brillantes sa kanyang edad, 19 na kasi ngayon si Andrea Brillantes masmatanda ng dalawang tao kay Jillian Ward na 17 pa lamang pero hindi naman ganun magsalita si Jillian Ward sabi ng ilang netizens na nakapanood ng bidyo.

Habang namimili kasi si Andrea Brillantes at boyfriend na si Ricci Rivero sa Siargao nagsasalita ng pabebe o baby talk si Andrea Brillantes na para nakakaraming netizens ay nakakahiya raw at sa sobrang nakakahiya raw ang pananalita ni Andrea Brillantes ay pati ang mga nanonood ay nagkakaroon ng vicarious embarrassment o secondhand embarrassment, ito yung nararamdamang hiya sa isang taong gumagawa ng nakakahiyang gawain. Narito ang bidyo at mga komento ng mga netizens sa viral na bidyo ni Andrea Brillantes. 

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment