Wednesday, May 11, 2022

Cristy Fermin Pinatamaan nga ba si Andrea Brillantes na Masyado raw Maingay at Pinayuhan na Mag-iingat

Views

Larawan mula sa IG ni Andrea Brillantes at YT ng One PH

 Talaga namang isang matinding malungkot na balita ang nasaksihan ng mga Kakampinks nang masaksihan nila na malayo ang agawat sa boto ng sinusuportahan nila sa pagkapangulo, halos landslide kasi at kalaunan ay natalo na nga ang manok ng mga Kakampinks. 

Dahil dito, halos lahat ng mga Kapamilya stars na Kakampinks ay hindi makapaniwala sa pinili ng sambayanang pilipino dahil sa kabila ng full force nilang pagsuporta sa manok nila ay hindi pa rin nangalahati ang resulta ng boto nilang mga Kakampinks sa boto ng mga pula at berde. 

Larawan mula sa YT ng One PH

Larawan mula sa YT ng One PH

Kanya-kanyang saloobin ang ipinost ng mga artista patungkol sa nangyari at halos lahat sila ay sinisisi ang mga Pilipino na kaya hindi raw makabangon sa hirap dahil daw sa pinipili nilang pangulo at isa na riyan ang young actress na si Andrea Brillantes na hindi rin makapaniwala na hindi ang manok nila ang nanalo. 

Dahil sa pagkatalo ng manok nila tila hindi ata nakapagpigil ang young actress at hindi nakapag-ingat sa kanyang ipinost sa social media at naging resulta na rin ito ng pambabatikos sa kanya ngayon, isa kasi sa kina-inisan ng mga netizens na suportado ang pula at berde ay ang post nito na nagsasabing nasaan daw ang utak ng mga pilipino. 

Dahil sa post niyang iyon ay nagsilabasan ang mga netizens na sunod-sunod ngayon ang pambabatikos sa kanya kaya naman pati ang mga past issue niya ay nagsilabasan din na talaga namang tama ang talk show host na ginawa siyang blind item na si Cristy Fermin na nagkatotoo ang sinabi nito. 

Larawan mula sa Kapamilya Ent. 


Ginawa kasi siyang blind item ni Cristy Fermin na kung saan pinag-iingat ito sa mga ipinu-post niya sa socmed dahil masyado pa raw siyang bata para maintindihan ang politics at sabi pa niya dapat sa lahat ng mga Kakampinks ay siya dapat ang mag-ingat dahil baka magsilabasan ang mga una niyang isyu at nagkatotoo nga ito. Panoorin ang sinabi ni Cristy Fermin. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment