Tuesday, May 3, 2022

Herlene Nicole Budol Ipinakita ang Kakayahan Kung Papaano Sumagot sa Isang Q and A Portion

Views

Larawan mula sa  FAMNGARAP YT

 

Dahil nga tuluyan nang isinabak na talaga si Hipon sa BB. Pilipinas 2022 hindi siya pinapabayaan ng mga taong huma-handle sa kanya at talaga namang nag-re-reflect sa kanya ang mga kilos na itinuturo sa kanya ng kanyang manager.

Dahil nga bagamat marami nang nagagandahan ngayon kay Herlene Nicole Budol o Hipon girl sa pagsali niya sa BB. Pilipinas marami rin namang may doubt sa kakayahan nito para sumagot sa isang pinakamahirap na portion sa isang beauty pageant at ito ay ang Q and A na talaga naman dito masusubok kung gaano katalino ang isang candidate. 

Larawan mula sa  FAMNGARAP YT

Larawan mula sa  FAMNGARAP YT

Hindi naman pinapabayaan ng kanyang manager si Hipon at panigurado na gagawin nila ang lahat gaya ng patinding pag-iinsayo at pagsagot sa mga tanong para hindi mabigo ang mga naniniwala kay Hipon na at least makapasok si Hipon sa Top sa gaganaping BB. Pilipinas. 

Hindi naman mahihirapan si Hipon sa mga ibang portion ng pageant dahil sa katunayan ay title holder siya ng Binibining Angono in Sining 2017, siguro ay ang magiging challenge na lang sa kanya ay ang pagsagot sa Q and A portion dahil alam naman natin na hindi mahusay mag-english si Hipon pero hindi naman ito hadlang dahil marami namang mga beauty queen na ginagamit ang sarili nilang wika upang sagutin ang mga katanungan sa mga international beauty pageant. 

Larawan mula sa  FAMNGARAP YT

Larawan mula sa  FAMNGARAP YT


Pero ganun pa man inaaral ni Hipon kung papaano talaga sumagot ng matiwasay gamit ang ating sariling wika, kaya dahil dito maaring masungkit pa rin ni Hipon ang crown dahil the best way pa rin para masagot ang isang katanungan ay ang gumamit na comfort language mo. 

Sa vlog na ito ng FAMNGARAP ay ipinamalas ni Hipon ang husay niya sa pagsagot ng mga mahihirap na mga katanungan na maaring itanong din sa kanya sa BB. Pilipinas, makikitang kahit wikang Pilipino ang kanyang gamit, may basehan ang kanyang mga sagot siguro kaunting insayo pa para masmaging flawless ang kanyang sagot gamit ang pambansang Wika. Narito ang vlog ating panoorin. 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment