Sunday, June 26, 2022

Larawan ng mga Anak ni Ruffa sa Ama Nilang si Yilmaz Ikina-touched ni Dennis Padilla

Views
Larawan mula sa IG ni Dennis Padilla at Julia Barretto

Ang pagmamahal at atensyon na naibibigay ng isang ama sa kanyang anak ay malaking bahagi at contribution sa development ng mga bata katulad din ng naibibigay ng isang ina, kaya naman bawat magulang ay malaking bahagi sa growth ng mga anak. 

Ang ama kasi ang kadalasan na naghahanap buhay sa isang pamilya at ang nanay naman ang taga-alaga kaya naman para matustusan ang gastusin ng isang pamilya at lumaki ng may maayos na future ang mga anak kailangan talagang kumayod ang isang ama dahil kung may responsableng ama at may maalagang ina, secured ang edukasyon at future ng mga anak.

Pero paano kaya kung ang mga anak ay lumaking walang ama, sa mga mahihirap ay talagang mahihirapan itaguyod ng singel mom ang mga anak pero kung mayaman naman gaya ni Ruffa Gutierrez ay wala namang kaso ang pagmamahal at aruga lang ng isang ama para sa mga anak ang magiging problema dahil lalaki ang mga anak na uhaw sa kalinga ng isang ama. 

Ito na rin ang nangyari sa mga anak ni Ruffa na mahigit 15 years na nawalay sa kanilang ama na si Yilmaz Bektas simula noong nagkahiwalay sila ni Ruffa Gutierrez, kaya naman uhaw sa kalinga ng isang ama ang mga anak ni Ruffa. 

Larawan mula kay Ruffa Gutierrez

Larawan mula kay Ruffa Gutierrez

Pero after 15 years ay napagpasyahan na rin ni Ruffa na magkita-kita ulit ang mag-aama kaya naman nito lang ay pumunta si Ruffa sa Turkey upang payagang magbakasyon doon ang kanyang mga anak at nag-viral nga ang bidyo na kung saan nagyayakapan sa airport sa Turkey ang mga anak ni Ruffa at ang kanilang Turkish at mayaman na ama. 

Dahil nga viral ang mga larawan at bidyo ng reunion ng mag-aama, hindi maiwasang malungkot at ma-touch ni Dennis Padilla nang makita niya ang bidyo at larawan na kung saan nagyayakapan ang mag-aama, ibinahagi pa ito ni Dennis sa kanyang social account na para bang nagpapahiwatig dahil kahit sa Father’s day ay wala siyang natanggap na pagbati sa kanyang anak na si Jullia Barretto.

Larawan mula sa IG ni Dennis


Umalma naman ang ilang mga netizens sa shared post ni Dennis na kung saan sinabihan siyang papansin dahil naghahanap daw ito ng pagmamahal ng anak pero irresponsible naman daw na ama at ito raw ang dahilan kaya malayo ang loob ni Julia sa kanya dahil si Julia ang katuwang ng kanyang ina para itaguyod at mapag-aral ang mga kapatid nito. 


Larawan mula sa Fashion Pulis

Larawan mula sa Fashion Pulis


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment