Wednesday, August 10, 2022

Maymay Entrata Hindi Napigilang Magbisaya Nang Bastosin Ito sa Central Park ng New York City

Views

Larawan mula sa IG ni Maymay Entrata

 Talaga namang iba ang dating at angas ng kagandahan ng mga pinay pagdating sa mga dayuhan, hindi naman bago sa’tin na nagkakaroon pa ng afam ang mga kababaehan nating may kayumangging balat kaysa sa mga may mapuputing balat, dahil para sa mga dayuhan mas-attractive sa kanila ang pinay na hindi mapuputi. 

At ang katotohanang hindi nating maitatanggi ay masgusto pa nila ang para sa mga mata natin ay hindi ganun kagandahan at tawag pa nga ng ilan sa kanila ay may mga exotic beauty, pero marami-rami din naman ang mga magagandang pinay at mapuputi na may afam kaya sabi nga nila depends pa rin. 

Larawan mula sa IG ni Maymay Entrata

Larawan mula sa IG ni Maymay Entrata.


Anyway, usap-usapan ngayon ang bidyo ni Maymay Entrata na kung saan habang nag-la-live ito at namamasyal sa NYC Central Park ay hindi napigilan ng ilang American na mapalingon sa beauty ng pinay kaya naman dahil dito hindi naiwasan ni Maymay na matakot dahil sa naging asal ng ilang American sa kanya. 

Habang naglalakad kasi si Maymay at sa kalagitanaan ng kanyang pag-la-live ay na-interrupt nang bastosin ito ng isang afam at kinat-calling ito kaya naman naaligaga si Maymay, sa una hindi pa naintindihan ni Maymay ang sinabi kaya nag-respond pa si Maymay ng English at nang napagtanto niya na binabastos na pala siya ay doon na siya nataranta. 

Larawan mula sa IG ni Maymay Entrata.

Nagmadali agad ang actress at sa sobrang aligaga nito ay hindi na niya namamalayan na hindi na siya naiintindihan ng ilan niyang mga fans na nanonood sa kanya dahil bisaya na pala ang ginagamita niyang salita. Safe naman si Maymay pero sabi niya ay hindi na siya komportable kaya naman umalis na siya agad. Panoorin ang bidyo. 

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment