Friday, August 26, 2022

Tatay ni Ruru Madrid Ipinagtanggol si Ruru at Bianca sa Pangingialam ni RR Enriquez sa Relationship Status ng Dalawa

Views


 

Sa pakikipagrelasyon may kanya-kanya tayong pinagkakasunduan ng ating karelasyon, hindi lahat kailangan ng label minsan kung sino pa ang walang lebel sila pa yung may tunay na relasyon o pagmamahal sa isa't isa, may mga tao kasi hindi nagbabase sa label ng kanilang pakikitungo sa isa't isa, ang mahalaga sa kanila ay ang kung paano ka iturin at itrato ng minamahal mo. 

May mga tao rin na hindi nila isinasapubliko ang status ng kanilang relasyon dahil para sa iba mastumatagal ang relasyon kung ginagawa itong private at hindi basehan ang mga post sa social media na kung saan nagpapakita ng mga sweet moments nila sa social media, kadalasan sila yung hindi man lang tumatagal ng isang taon, dahil lahat ng problema nila sa relasyon nila ay ipinu-post din sa social media. 

Larawan mula sa IG ni Bianca Umali

Larawan mula sa IG ni Bianca Umali

Larawan mula sa IG ni Bianca Umali


Gaya na lang ni Ruru Madrid at Bianca Umali na 4-years ng magkasama pero hindi pa confirmed at wala pang label ang kanilang relasyon dahil maspinipili nilang hindi ilantad ang totoong label nila at sila lang may alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. 

Ito naman ang isyung pinanghimasukan ni RR Enrquez na kung siya raw ang babae hindi raw niya hahayaang sa loob ng apat na taon ay wala pang label ang pagsasama nila. Sabi pa ni RR:

"Gusto ko ito sawsawan at gigil ako# Four years and yet "No Label?? Gurl if totoo man yan you should know your worth.. Kaya ko pa accept if months lang yan because ganyan din kami dati nag start ni frog pero after months of dating Aba teka do you want it to be official or official a kita kakalimutant 4 years is too long para hindi nyo pa din malagyan ng label yan..." 

Larawan mula sa IG ni RR Enriquez

"Buti pa yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga.. Ok madami pa ako sasabihin pero sa new Sawsawera Vlog show ko na sasabihing Yes you heard me right! After one year of being SAWSAWERA I decided na gawin na itong vlog show. Since indemand tayo ngayon@ Watch for my Pilot episode na ilalabas ko this Friday or Saturday???"

Larawan mula sa social media account ni RR Enriquez


Hindi naman ito pinalampas ng tatay ni Ruru at sinabihan si RR na:

"Bakit pinapakialaman mo buhay ng may buhay? dika ba masaya sa buhay mo? alam mo ba ung salitang RESPECT and PRIVACY? dami mo pwdeng pagka abalahan havaan mo sila gusto nila un. payuhan kita, try mong mag hanap ng mga tong in need for sure may pwesto ka sa langit. & oops diko need ng reply, sayang oras mo, at oras ko para basahin pa, busy ako. k bye."

Larawan mula sa social media account ng tatay ni Ruru Madrid



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment