Thursday, December 8, 2022

Isang 15 Taong Gulang Hinangaan ng Netizens Matapos Makapag Patayo ng Kaniyang Sariling Bahay

Views
PH Star FB Page

Hinahangaan ngayon ang isang 15 years old na babaeng Youtube content creator matapos nitong makapag patayo ng  kaniyang sariling bahay na nag kakahalaga umano ng halos 1.2 million pesos.

Siya si Love Marie Sabas Pugal isang dalagitang Youtube content creator na may 182k Subscriber sa kaniyang Youtube channel.

Philippine Star FB PAGE

Sumikat ang dalaga sa pag gawa ng gacha life o mga videong mano manong inaanimate umano niya.

Squishy Crafty Slime YT CHANNEL

Aniya, siya ay isang Youtuber at nakapag patayo ng kaniyang bahay dahil sa Youtube eanings niya.
 
Si Lorie ay lumaki sa hirap ng kaniyang pamilya kaya bata palang siya ay naghahangad na ito na mai-angat ang kanilang buhay kaya ito ay nag susumikap mag aral.
 
Aniya, bata palang daw siya ay naghahangad na din daw siya na makapag patayo ng kaniyang sariling bahay at maging isang Youtuber.

Ang kanilang lumang bahay ay maliit lamang kaya hiwalay na natutulog ang magkakapatid sa kanilang mga magulang.

Philippines Star FB Page

''Tatlo po kaming magkakapatid, 'yung Mama kopo wala pog trabaho.''

''Yung Papa ko, supervisor lang po siya sa cafe, pero nawalan po siya ng trabaho.''

''Nung bata pa po, ako mina-manifest ko na po na magkaroon ng bahay, and maging isang YouTuber.''

''Gusto ko pong sama-sama na po kami manirahan po sa bahay, tapos para hindi na rin mahirapan 'yung magulang ko sa pagha-handle po sa amin, kase dun po kame natutulog sa kabila po, sa lola ko.''

''Wala na po kaming panahon para minsan magsama po sa isang bahay''

''Gusto ko po talaga sa isang bahay na lang kami manirahan.''

Philippine Star FB Page

Ipinasilip din ng dalaga ang ibang parte ng kanilang bahay na bunga ng kaniyang Youtube earnings
Lahat ng ito'y kaniyang natutunan sa gitna ng pandemya kung saan ini-explor at nilalaanan nya ng oras ang content creation.
Nagsimula ang Youtuber noong 2020 tungkol sa Gacha life o isang animation sa Youtube.

Philippines Star FB Page

Philippines Star FB Page

Philippines Star FB Page

Philippines Star FB Page







Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment