Monday, December 5, 2022

Netizens, pinaulanan ng Kumento ang Ipinost ni Jennylyn Mercado Kasama ang Bunsong Anak sa Instagram

Views

 

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Kamakailan ng maging usap-usapan sa social media ang tila mga larawan na ipinost ni Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram account.

Ang mga larawan na ipinost ni Jennylyn ay ang kanilang bonding together kasama ang kanyang asawa na si Dennis Trillo at ang kanyang bunsong anak na babae.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Marami ang natuwa sa hitsura ng anak ni Jennylyn dahil talaga namang ang bilis ng panahon at 7 months na agad ang kanilang anak ni Dennis Trillo.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Matapos ang ilang taon nilang magkasintahan ay nagkaroon na nga rin sila ng kanilang sariling anak. Matatandaan na si Jennylyn ay may unang anak sa dating actor ngunit talaga namang makikita na buong-buo ito tinanggap ng actor.

Kaya ‘di nakakagulat na mas doble o triple pa ang pag-aalaga ni Dennis Trillo sa kanyang anak na pinagalanan nilang Dylan Jayde Ho.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Ang mag-asawang Dennis at Jennylyn ay sabay inanunsyo ang kanilang kasal at pagbubuntis kaya naman talaga namang tuwang-tuwa ang kanilang fans.

Matagal na rin daw kasi hiling nina Dennis at Jennylyn na magkaroon na ng anak at nang isang babae. Kaya’t talaga namang ‘di mababayaran ang saya na kanilang nararamdaman.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

At hindi nga maitatanggi na simula nung dumating ang napakagandang anak nina Dennis at Jennylyn ay mas lalong naging mas makulay ang kanilang buhay.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Matapos nga ibahagi nina Dennis at Jennylyn ang kanilang larawan at sabihing 7 months na ang kanilang baby girl ay umani ito ng sandamakmak na kumento ng netizens.

Ang kagandahan ay lahat ng kumento ay talaga namang puro papuri dahil hindi maitatanggi ang ganda ni baby Dylan.

Larawan mula kay: Jennylyn Mercado IG

Isa sa mga pumuri sa kanyang mga anak ay sina Marian Rivera, Angelica Panganiban at Sheena Hallili. Sa ngayon ay umabot na sa halos 100k ang likes nung post na ito sa Instagram.


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment