Thursday, January 12, 2023

Luiz Manzano Sinupalpal ang Netizens na Nagsabing Bakit daw Hindi Pinapakita ang Mukha ng Baby Nila

Views

Larawan mula sa socmed ni Luiz Manzano

 

Hindi nakapagpigil ang host/actor na si Luiz Manzano nang may nag-comment sa kanyang post na kung bakit daw hindi ipinapakita at palaging may nakatakip sa mukha ng new born baby nila ni Jessie Mendiola  sa tuwing ipinu-post nila ang pic nito sa socmed. 

Hindi na bago ito sa mga artista na tinatakpan ang itsura ng anak nila lalo na kapag bagong panganak nito at kalaunan din ay naglalabas na sila ng larawan ng kanilang baby na walang takip, ginagawa nila ito para protektahan ang anak nila sa mga mapanghusgang mata ng mga tao at privacy na rin. 

Hindi lang naman si Luiz ang gumagawa nito kundi pati rin ang ibang artista. Kaya naman bilang isang ama, hindi nakapagtiis si Luiz at agad niyang binara ang isang netizen na nag-comment ng 

“ Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte O@@by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano”

Sagot naman ni Luiz: 

“  Kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman@”

Larawan mula sa socmed ni Luiz Manzano

Larawan mula sa socmed ni Luiz Manzano


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment