Sunday, February 24, 2019

Security guard sapul sa CCTV nang nakawin ang isang kahong condom

Views

  • Nahuli ang security guard sa pagnanakaw ng condom
  • Security guard ninakawan ng condom ang convenience store kung saan siya nagtatrabaho
  • Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng security guard ng condom

Video mula sa Tugbok Police Station
DAVAO CITY —Biyernes ng gabi inaresto ang isang security guard dahil sa pagnanakaw niya ng isang box ng condom sa convenience store kung saan siya mismo naka-assign at nagtatrabaho. Ang convenience store na pinagtatrabahohan niya ay sa Barangay Mintal. Matibay ang ebidensya kay mamang sekyo dahil nakunan ito ng CCTV.  Sa kuha ng CCTV ng convenience store, mapapanood na tila nagmasid muna ang 21 anyos na guwardiya bago biglang kinuha ang kahon ng condom sa counter at itinago sa kaniyang bulsa.

Matapos mapansin ng store manager na may nawawalang produkto habang nagi-inventory, pahayag ni Chief Inspector Ricky Obenza. "Ni-review nila sa CCTV at doon nakita na pasimpleng kinuha,"  ani Obenza. Inamin naman ng guwardiya ang pagkuha sa produkto pero ipinaliwanag din niyang na-curious lang daw siya rito. Kakasuhan ang guwardiya sa kasong qualified theft.

Source: ABS-CBN NEWS
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment