Tuesday, March 5, 2019

Ai-Ai aminadong na-inspire sa pagkakaroon ng anak ni Korina kaya todo gym para magkaanak at pahinga Showbiz

Views
Ang ganda ..... ko hehehe nice scenery .. welcome to masbate .. see you tonight mandaon 💚 #pamasayanfestival
Instagram: msaiaidelasalas

Sa ginanap na 39th Oporto International Film Festival sa Portugal ay nominated si Ai-Ai delas Alas bilang Best Actress sa indie movie niyang 'School Service' ngunit ang plano niyang pagpunta ay hindi niya nagawa dahil nakalimutan niya ito.

Sa nasabing Film Festival ay tinanghal si Ai-Ai bilang Best Actress at ka-tie niya si Ina Raymundo sa indie movie na 'Kuya Wes.'
 Ang hinihintay ko ay ang Queens World Film Festival kasi ‘yun ang latest nomination ko. Nakalimutan ko na nominated ako sa Portugal. Sabi ni Ai-Ai nang makausap sa resto niyang Ai Fusion sa Ayala Cloverleaf Mall.
Tumanggap na rin si Ai ng Best Actress award sa Queens Festival para sa indie movie niyang “Area.” Sinundan ito ng Los Angeles Internatio­nal Film Festival at ASEAN Internatio­nal Film Festival.

Nang tanungin naman si Ai kung ano next niyang panlaban sa international film festival ang kanyang sagot ay “Wala pa. ‘Pag binigyan ako ng anak ni Lord, baka sa 2020 uli ako gumawa,” sey ng Co­medy Queen. Aminado siyang na-inspire rin siya sa pagkakaroon ng anak ni Korina Sanchez. “Ang galing, ‘no?” bulalas ni Ai. “Meron na ako pero wag na lang. May embryo na kami. Implant na lang sa akin. Kaya naman ng katawan ko,” dagdag niya.

Todo gym siya ngayon at pinalalakas ang kanyang likod. “Sumasakit nga ang katawan ko kaka-gym,” katwiran ni Ai. May naisip na silang pangalan ni Gerald (Siba­yan) kapag babae o lalaki ang magiging anak nila na ni-research pa nila dahil hindi ordinary ang pangalan, huh! Magpapahinga siya ng isang taon ‘pag nabuntis. Kaya nga panay ang tanggap niya ng movies. Tapos na ang movies niyang “Feelinials” at “Sons of Sabel.” Ginagawa niya ang solo movie ni Tekla at may gagagawin din siya sa Regal at kay direk Joven Tan. “Gusto ko naman may pera ako ‘pag nagpahinga. Ayoko namang iasa sa kanila. Marami akong tinutulungan,” diin ni Ai-Ai.

Instagram: msaiaidelasalas

Instagram: msaiaidelasalas

Instagram: msaiaidelasalas




Source: Abante
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment