Tuesday, March 5, 2019

Claudine baon nga ba sa utang kay Jinkee Pacquiao?

Views
Been here a few days now. My Ate @gretchenbarretto has been taking care of me. Since she couldn’t accompany me today she bought me this,so when its time for her to go home i can hug this so i wont miss her too much & wont be scared.also my pillow now never leaves my side i started my MRI at 2pm & lasted for more than 3hours.Thank you & I Luv u See you tomorrow. Instagram: Clau Barretto

Napapabalitang nagkakasundo na ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto at ayon sa mga source ay malaki raw ang utang na loob ni Claudine sa kanyang ate Gretchen dahil ayon sa napapabalita ay siya raw ang nagbayad ng malaki niyang bill noong siya'y ma-ospital kamakailan.

Kaya naman hindi maiwasang mag-isip ng  mga netizens kung saan na raw ba ang mga pera ni Claudine kung bakit wala nang natira lalo na 'pag emergency, sabi naman ng ilan ay baka naubos na dahil matagal ng walang trabaho si Claudine.

Dahil daw sa wala nang pang-bill sa ospital si Claudine ay wala raw siyang choice kundi makipagbati sa kanyang Ate Gretchen para mabayaran nito ang mala­king hospital bill niya.

Usap-usapan pa ang pagkakaroon daw ng mala­king utang ni Claudine kay Jinkee Pacquiao? Naging malapit si Claudine sa mga Pacquiao noong siya ang mag-asikaso ng isang bonggang birthday party ng isa sa mga anak nila Jinkee at Manny na ginanap sa isang hotel.

 May nagsabi rin na nagsosyo raw sina Claudine at Jinkee sa isang negosyo na hindi naging successful kaya nagpatong-patong daw ang utang ng aktres sa misis ni Pacman.

Pero ang lahat ng ito'y  haka-haka ng iba at hindi natin alam ang katotohanan, unless sina Claudine at Jinkee na ang magsalita.


Source: Abante

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment