Sunday, March 17, 2019

Kuya Escort Ion Perez may tatlong taong gulang na anak na lalake.

Views
Photo credits to ion_perezescort Instagram
 Nakikita ko lamang ang anak ko kapag hinihiram ko siya sa mama niya
Ayon sa Interview ng tempo.com.ph na isinulat ni ROBERT R. REQUINTINA pagkatapos manalo ni Ion Perez bilang Mr. Universe Tourism ay inamin nitong may 3-year-old son siya.
“May 3-year-old na anak na po akong lalaki,” ang sagot ni Perez nang tanungin kung totoo nga bang may anak na siya, sa isang interview sa launching ng Bayongciaga products sa Studio A, Quezon City. - Tempo

Ang Bayongciaga ang kauna-unahang endorsement ni Perez mula nang manalo siya sa international male pageant. Kasama ni Perez sa endorsement and reigning Miss Philippines Youth na si Nadine Bornilla. Ang bag company ay pagmamay-ari nila Javier Villarfuel at Jov Ravago.

Photo credits to ion_perezescort Instagram

Inamin din ni Kuya Escort,27, na ang kanyang anak ngayon ay wala sa kanyang poder kundi nasa poder ng kanyang dating partner.

“Nakikita ko lamang ang anak ko kapag hinihiram ko siya sa mama niya. Nangyari po ‘yun dala na rin ng pagiging mapusok ko noon,” sabi ni Perez.
Bagamat hindi sila magkasama madalas ay iginiit naman ni Ion na hindi niya pinapabayaan ang kanyang 3-year-old son:
 “Hindi man kami nagkikita madalas pero hindi ko talaga pinapabayaan ang anak ko.” 
Nang siya'y tanunging kung papayagan ba niyang sumali sa male pageant ang kanyang anak paglaki ay ito ang kanyang naging sagot:
“Nasa sa kanya po iyon. Sana maging proud siya sa mga achievements ko sa pageant. Makikita naman niya ang pinag-mulan ko pag nagka-isip na siya.” 
Ayon kay Dr. Jumel Bornilla, President ng Mister Universe Tourism pageant, nalaman nilang may anak na si Perez matapos ang pageant.
“We’ve discussed about it. But who are we to judge?” sabi ni Bornilla. 
Dagdag pa ni Bornilla na hindi nila tatanggalan ng korona si Perez dahil hindi naman nito pinapabayaan ang kanyang mga responsibilidad sa Mister Universe Tourism.

Photo credits to ion_perezescort Instagram
Unang nanalo si Perez sa Misters of Filipinas 2017 bago siya tinanghal na Mister Universe Tourism 2018. Ang dalawang nasabing patimpalak ay para sa mga binata lamang.

Photo credits to ion_perezescort Instagram


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment