Saturday, October 5, 2019

Sugar inamin ang totoong dahilan kung bakit umalis siya sa Wowowin dahil nga ba kay Hipon?

Views
Hipon Herlen left, Sugar Mercado right

Manila, Philippines – “Mahal na mahal ko siya!” ‘Yan ang diretsahang pahayag ni Sugar Mercado patungkol kay Willie Revillame. Matatandaang isa si Sugar sa mga matagal ng host ng Wowowin pero nagulat ang lahat nang bigla na lang siya nawala at yong oras na nawala siya ay ang pag-rise din ng pangalan ni Hipon na talaga namang agaw-pansin ang pag-ho-host niya pero ngayong nakabalik na si Sugar sa Wowowin ay kanya inamin niya ang katotohanan sa likod ng pag-alis niya bilang host sa Wowowin.

Ayon kay Sugar, napakahirap maging single mom kaya inuna muna niya ang pag-aalaga sa dalawang anak.

“Inasikaso ko muna, inayos ko muna. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Wil. Pinayagan naman niya ako, na welcome ako makabalik, ganu’n. Kaya sobrang thankful ako. And ‘yung pagbalik ko pa, sobrang laki. Sobrang nakaka-excite, nakaka-proud talaga.”

“Sobrang thankful ako kay Wil, kasi syempre ‘di ba, sa lahat ay lagi siyang nagbibigay ng chance. Pag kailangan talaga ng tao ‘yung tulong, tutulong talaga siya. At saka kahit hindi ako, kahit ibang tao handa siyang tumulong.

“Bukas ‘yung dalawang kamay niya, ‘yung mga palad niya para tumulong sa lahat ng nangangailangan. Kaya thankful ako sa pagtulong niya sa pamilya at mga anak ko. Mahal na mahal ko siya, at mahal na mahal namin siyang lahat,” aniya pa.


Sugar Mercado IG

Sugar Mercado IG

Sugar Mercado IG

Sugar Mercado IG



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment