Saturday, February 29, 2020

Spotted: Are Apl.de.Ap and KC Concepcion Out on a Date? Netizens React

Views
Are Apl.de.Ap Ig/KC Concepcion IG/ Fashion Pulis

Matagal ng napapabalita na diumano'y nagkakamabutihan itong si KC at si Apl.de.Ap at ngayon may nakakuha sa kanilang ng larawan kung saan magkasama silang dalawa kaya naman tanong ng maraming nagde-date ba sila?

Fashion Pulis


Narito naman say ng netizens:

  • Mukha namang mabuting tao si APL.
  • Wag i-judge. At least kung mamahalin naman si KC gurl
  • I agree..and kung parehas naman na single at mga walang sabit, walang kaso. Apl looks like a good person.
  • Apl nlng KC he’s a good guy.
  • He’s an international star. Grabe naman maka judge parang judges! ๐Ÿคฃ
  • Both of them are kind and good people naman so keri
  • Mabait si apl at si kc mabuting tao din. Maging masaya na lang please
  • Kaya di makatagal mga jowa inuuna pa cp  Para makapagyabang na naman sa ig
  • How do you know, "inuuna pa cp"? You cannot judge a whole situation from one snapshot.
  • Ang annoying niyang ganyan even when i'm on a date with my friends sinasabi ko talaga sa kanila no cellphones please. Hahaha
  • Kahit sa friends lang kapag magka usap kayo o nagyaya mag kape, nakakairita na puro cp ang atensyon. Nagyaya pa kung nag ccp lang pala. Kaiinis yung mga taong ganyan. Nababastusan ako

Bigating mga Artista at Opisyal Imbitado sa Kasal ni Sarah Lahabti at Richard Gutierrez

Views
Fashion Pulis/ Sarah Lahbati IG

Narito ang mga bigating pangalan na imbitado sa kasal ni Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Fashion Pulis

Fashion Pulis

Fashion Pulis

Fashion Pulis
Ito naman ang say ng netizens:


  • Bigatin ng Principal sponsors. Mukhang mabigat din ang pakimkim.
  • Naku, tyak ma st-starstruck si tatay du30 nito. Maka artista pa naman yan
  • Nice! May part sa kasal si Angel Locsin. Good vibes lang
  • Robin padilla too.sana dala ni angel contract nya para malaman kung mas malaki ba sweldo ni robin sa kanya hahaha
  • nakakaloka ang sponsor para akong nagbabasa ng mga kakandidato sa halalan
  • Magkikita camp ni duterte and abs cbn execs. Baka sa kanila mapunta attention instead sa bride & groom. LOL
  • Grabe Ang daming principal sponsors para makabawi sa gastusin,ha,ha,ha
  • Too much big names it doesn't seem real & genuine. It's like all for our entertainment & trying to make the world watch in envy. #unimpresssed

Pandaraya ba o Nagkamali lang, "It's Showtime" #30 Trending sa YT Dahil sa Nangyari sa Isang Contestant

Views
It's Showtime YT Channel
#30 Trending ngayon ang "It's Showtime" dahil sa nangyari sa isang contestant na hindi nakalagay sa choices ang dapat sana pangalawang premyo na "Kabuhayang Package," nang tanunging nila Vice ang tagapangasiwa ng mga choices ng premyo at nang buksan ang dapat sana nandoon ang premyo sa likod ng picture frame ay lumalabas na hindi o wala doon ang dapat sana nandoon na prize. Kaya naman ng subukan na lang hanapin at buksan ang lahat ng frames ay hindi nakita ang "Kabuhayang Package." Dahil dito ay nag-react ang ilang netizens na baka dinaya lang at ang ilan naman ay sinabing  pagkakamali ito ng nag-audit. Panoorin sa bandang 2:15:21 ang pangyayari.




Ito naman ang say ng netizens:


  • Nobody's perfect nman po eh lahat nman tayo ay nagkakamali; 'wag masyadong "perfect" ahh. But anyways, naawa ako sa tga audit sana nman bigyan pa nla ng ibang chance, wag na sana syang paalisin wla nmang may gus2 eh.
  • 2:17:07 NAGPAPATUNAY NA  DUMOBLE ANG "5 KILONG BIGAS". ✅ SUBALIT, KAGANDAHANG LOOB NAMAN NILANG BINIGAY ANG "NEGOSYO PACKAGE" KAY GINALYN. WAG PO TAYONG MANGHUSGA AGAD² ..BUTI NGA 'YAN, AT LEAST, NAKA-LIVE TALAGA.๐Ÿ’š
  • Walang perpekto , lahat nagkakamali .. atleast nagsorry sila at binigay sa contestant ang Negosyo package  ๐Ÿ‘ผ   We all know na hindi magagawa nang Showtime ang manloko since it's a Big show owns by a Big Company ...  LIKE niyo kung agree kayo
  • I'm so sad of what happened. For now, no one knows if it was just an accident o may nagsabotahe talaga sa showtime. Sobrang laking pagkakamali yun lalo na sa sitwasyon ng abs ngayon. Pero ang kabutihan non eh binigyan nila ng agarang solusyon at binigay nalang yung premyo. Love, love, love pa din. ❤❤❤
  • Sana ok lang si ate Audit ๐Ÿ˜” mukang nasermunan xia na husto. God Bless you ate . ok lang yan .  lahat tayo nag kakamali ..
  • Its a live show d tlaga maiwasan yan magkamali. I think ang nangyari dito nadoble yung 5 kilos na bigas imbes na dun sa tamang negosyo package nalagay na painting 5 kilos na bigas din ang nalagay. Hindi cguro na double check ng audit or akala nya tama nmn nag nailagay dun sa painting ng production staff kaya un. Pero sana eh wag nmn sibakin si madam audit tao lang nagkakamali wala nmn my gusto ng nangyari.
  • Naaawa ako kay Ate Audit Pero sana wag sya mawalan ng work . No ones perfect nmn ... ❤️❤️❤️❤️ pls showtime ๐Ÿ˜‡

Friday, February 28, 2020

Thursday, February 27, 2020

Toni Gonzaga May Panawagan sa mga Nagpapakalat ng Sinabi raw ni Mommy Pinty sa Issue ni Mommy Divine

Views
Mommy Divine (left)/ Toni Gonzaga IG (right)

Dahil sa malaking issue nga ang pag hadlang ni Mommy Divine sa secret wedding ni Sarah G at Matteo Guidicelli at dahil dito ay umani talaga ng sari-saring pambabatikos at mga reaksyon sa mga netizens at celebrities ang ginawa ni Mommy Divine knowing na Big Star si Sarah G at hindi dikitin ng mga issue na yan.

Dahil nag-viral talaga ang ginawa ng mommy ni Sarah ay pati si Jaclyn Jose ay nagbigay din ng kanyang opinion sa issue at kung papaano niya pinalaki ang kanyang mga anak na hindi ito kinu-control at para matutong tumayo sa sariling paa kung ito man ay matumba. Anyway pati pala si Mommy Pinty ay may kumakalat na sinabi niya diumano'y opinion sa ginawa ng mommy ni Sarah G ngunit sa IG-story ni Toni Gonzaga ay sinabing fake news daw ito at hindi sinabi ng mommy Pinty niya.

Toni Gonzaga IG

Toni Gonzaga IG

Monday, February 24, 2020

"Kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon" Bata Isang Linggo Nang Kumakain ng Karton

Views
Lenstien Hortal

Isang nakakapukaw ng puso at realidad ang kuwento ng isang netizen na minsa'y siya'y kumakain at may nakitang batang kumakain din ngunit nakakagulat ang kanyang nalaman. Basahin ang kuwento ng isang netizen.

"I share ko lang po experience ko tonight.
Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong Nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain .
Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.
Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo"

Nag karoon kami ngmarami pang convo.
(Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)
ME: Ano panagalan mo ?
jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM .
Me: ilan taon kna ?
jm:16 po
Me: nag aaral ka pa ba ?
jm: di na po. Graduating na ngapo sana ako ng grade 6 i kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko .
Me: Gusto mo pa ba mag aral?
Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana
Me: dito ka ba natutulog ?
jm: hindi po . sa gilid po ng dimsum . 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito .

At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya.
Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman .
May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan . IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya . Salamat po.

Sorry po pinicturN ko sya .
God Bless You."



Mommy ni Alex at Toni Gonzaga na si Mommy Pinty Nag-react sa Ginawa ng Mommy ni Sarah G

Views
Mommy Divine (left), Mommy Pinty and Alex G (right)

Talaga namang kabi-kabila ngayon ang usapin tungkol sa paghadlang ng mommy ni Sarah G na si Mommy Divine sa secret wedding ni Matteo Guidicelli at Sarah G. Matatandaang nasabi ni Mommy Divine na masgusto niya na maging asawa ni Sarah G ay hindi artista na kahit hindi ito mahal ni Sarah basta makakasigurado siya na kahit wala na sila sa mundo ay kayang alagaan si Sarah G.

Ilang artista na rin ang nag-react sa issue na ito, isa na riyan ang batikang aktres na si Jaclyn Jose na nanay ni Andi Eigenmann. Sa bidyo naman na ito ay nag-comment ang Mommy ni Alex at Toni Gonzaga kung ano gagawin niya if ever si Alex ay si Sarah G.



Ito naman ang say ng netizens: 

  •  Sempre hindi mo pwedeng ikumpara mama ni Alex sa Mama ni Sarah subrang layo naman educated at Christian magulang ni Alex ang magulang ni Sarah sa tingin ko hindi educated at hindi chistian kasi naging bato puso ng magulang ni Sarah eh.
  • Naku wag na ikumpara c mommy Pinty ke Divine. Cool mother c mommy pinty.
  • Hindi sa  palagay  mo lalo pat nsa edad  na ang anak nya sa waring ko kay mommy pint hindi bibigyan ng kahihiyan ang kanyang  anak sa madlang people pwera na lng kng talagang gumawa  mg di ka nais nais .gusto  ko si mommy  pinty  mag treats  sa mga manliligaw  mg mga anak nya ksi pakikisamahan ng mga anak nla at sa parents  ni guy . Believe  ako sa parents  ni Matteo
  • mommy pinty hndi selfish unlike s nny ni sarah n wlng kkontento s buhay...ang yman di nddla s hukay

Mommy ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose Pinatamaan ang Mom ni Sarah G

Views
Jacklyn Jose (left) Sarah G and parents (right)

Naging malaking issue ngayon ang diumano paghadlang ng mommy ni Sarah G sa secret wedding ni Sarah at long time boyfriend na si Matteo Guidicelli kaya naman umani ng batikos ang Mommy ni Sarah G ngayon na dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ng issue si Sarah na matagal ng issue-free. Dahil dito ang batikan na aktres at isa ring ina na si Jaclyn Jose ay tila pinatamaan ito sa iang IG-post at narito ang kanyang sinabi.
IG @jaclynjose

IG @jaclynjose


Ito naman say ng netizens:


  • Gusto ko yung sinabi ni jaclyn jose. Hayaan natin yung mga anak natin kung madapa mn sila. Babangon yan kung hahayaan lang natin.
  • Exactly, kung magkamali man si Sarah sa naging desisyon niya at least she did what she wanted to do at the moment. Wala siyang “what ifs”
  • I think yun talaga ang downfall ng filipino parenting. Parents always assume that their children are weaker than them at hindi kakayanin yung mga pinagdaanan nila, na hindi makakabangon sa pagkakamali, kaya they control them too much.
  • I’m a mother of 3 young kids. May nabasa lang ako na mas healthy sa mga bata ang maka experience ng failures kasi dun nila matutunan paano mag cope.
  • Hay sana all talaga... Go and keep following your bliss, Sarah! You owe it to yourself, and you deserve all the happiness in the world!

Friday, February 21, 2020

Baron Geisler Ipinagtanggol si Coco Martin Tungkol sa mga Sinabi ni Robin Padilla

Views
Baron Geisler and Coco Martin

Maraming nagulat at nag-react sa sinabi ni Robin Padilla nang sagutin niya ang isang netizen na pinangaralan siya na ba't hindi raw gayahin si Coco Martin na maraming natutuungang walang trabaho at sagot naman ni Robin sa netizen na naglakas loob na i-realtalk so Robin na ba't hindi raw din pagsabihan ng netizens na 'yon na 'wag mambuhos ng tubig si Coco Martin sa natutulog na mga crew.

Dahil dito isang artistang nakatrabaho ni Coco Martin which is Baron Geisler na kanyang sinabi na sa loob ng 7 months na nakatrabaho niya si Coco Martin ay walang ganun nangyari instead puro praise ang nakikita niya sa mga ginagawa ni Coco Martin as co-worker.

Cocomartin_ph IG


Ito naman ang say ng netizens:

  • I think hindi naman papayagan ng ABS maging ganun si Coco. Tatanggalin nila si Coco as director ng show. Sana may nag reklamo kay Tulfo.
  • Mas maniniwala naman ako kay Baron kasi tapos na siya sa show at nag end na ang character niya. Hindi magsasalita si Baron kung totoo at magiging quiet na lang siya.
  • Always naman 2 sides to every story. Lahat naman ng tao may time na hindi ok. Pero kung titingnan Yun overall kay Coco mas madami pa din syang tulong and kabutihan na naibigay kaysa kanegahan. Wala naman perfect na tao.  
  • 7 months lang pala eh tagal ng Ang Probinsyano.
  • Abah syempre takot sayo.. maghahamon ka kasi ng suntukan! LOL
  • Mas maka staff and crew nga si Coco. Sabi ni Coco mas maswerte ang mga artista kapag na lalate ok lang. Kaya kapag late ang mga artista may penalty at pinapakain ang buong set
  • Nakakaloka. Sa abante pala nakasulat yung news about the water, na most likely nabasa ni robin. It was noted there though na biruan lang, so if his "source" is really that article, then he intentionally tried to smear others and mislead people who read his post. The fact that he also has yet to release his contract, and is using angel, dingdong, and coco as a bluff tells us a lot about his credibility. People won't change their opinions on both sides even if those three show their contracts, those who are pro shutdown will still think they earn too much while those who are anti shutdown will keep believing it doesn't matter, yet they're gutsy enough to step up to robin's provocation. It's pointless theatrics courtesy of robin.

Solenn Heussaff Ipinakita ang Tahi ng Kanyang Opera sa Tiyan sa Panganganak

Views
Solenn Heussaff IG
Ilang araw bago manganak si Solenn nakuha pa niyang i-prank ang kanyang asawa na si Nico na kunwari siya'y manganganak na. Matatandaang noong January 1, Wednesday, Solenn posted a photo of herself on Instagram while giving birth with Nico by her side. Solenn gave birth on January 1, 2020.

"Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana," wrote Solenn.

Solenn and Nico married in France in May 2016. They have been together since 2011. They announced that they were expecting their first child, a baby girl, in August.

Ngayong mahigit isang buwan na ang nakakalipas pagkatapos nito manganak ay ipinakita ni Solen ang tahi niya sa kanyang opera sa tiyan.

Solenn Heussaff IG-story


Ito naman say ng netizens:

  • Compared to mine ang laki ng cut ng kanya. Dr considered since mahilig ako magbikini. Skl
  • It'a ridiculous how so many shame women who opts for C-Section. Tons of moms who does C-Section get unwanted hate. You don't own anyone an explaination for getting one.   Being a good mother is not how you give birth, but by taking care of your child and bringing them up well.
  • Why?! Anong next niyo ipapakita, yung na-cut na pusod? Video habang nilalabas si baby? Ibang level na talaga ang nagagawa ng social media.
  • mareng solenn ako nga ako lang naglilinis ng sugat ko nun tapos 3 days naglalaba nako.
  • Pati ba naman tahi ia-IG pa? Juskoday baka gayahin ng mga kumare ko yan at magsipag post na din ng mga tahi nila. Tahi ko nga dedma lang ako, tas makikita ko pa tahi ng iba.

Thursday, February 20, 2020

Kanta ni Ivana Alawi na "Sana All" ni-released na ng ABS-CBN, Pakinggan

Views
Ivana Alawi IG

Kailan lang nag-signed na ng contract si Ivana Alawi sa Kapamilya ABS-CBN at una niyang teleserye ay "Ligaya."

Sa nakaraang vlog ni Ivana Alawi kanyang ikinuwento ang kanyang mga mahihirap na pinagdaanan bago maka-sign ng contract sa ABS-CBN. Hindi pala ganun kadali ang kanyang mga karanasan sa pagkamit ng kung ano man siya ngayon. Napaganda at napaka-up lifting ng kanyang vlog na iyon. Ngayong certified Kapamilya na si Ivana Alawi narito ang first ever kanta niya na may title na "Sana All."


Ito naman say ng netizens:

  • PLEASE MAKE THIS YOUR FIRST AND LAST SONG!!! ๐Ÿคฎ  ABS-CBN NAMAN! DI PORKET SIKAT, PAKAKANTAHIN NIYO NA! ๐Ÿคฎ
  • Naks nmn ivana tamang pampa good vibes lang haha "SANA ALL",,,๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š
  • Hug tayo mga kadaliri este single pala o WALANG J O W A.  HUG TO HUG TAYO. THANKS IN ADVANCE.
  • Naka smile ako hanggang matapos tong Vid na to hahaha di ko alam bakit. Love you Miss Ivana ❤
  • Isa namang kantang ka-kanseran lang ang ipapalaganap sa kabataan! Mga low-class
  • Kakornihan sa 2020 ito yung mga di dapat gawing music artist wala pang isang taon to may platinum nato dahil sa mga maliliit na utak na kabataan ngayon.

Keith Talens nasa Pudar na ni Makagago para sabihin ang side niya, kaya pala hindi sinagot tawag ni Raffy Tulfo

Views
Makagago YT Channel

Kahapon, nagkaroon nga face off si Mang Jun at ang guard na kanyang binugbog, sa kalagitnaan ng kanilang paghaharap, sinubukang tawagan ni Raffy Tulfo si Keith Talens para hingin ang side niya pero kahit ilang beses daw ito subukang tawagan at kahit nagri-ring ang phone ay hindi ito sinasagot ni Keith Talens.

Noong Isang araw din sinabi na ni Makagago na pupunta sa kanya si Keith Talens para hingin ang side niya kaya naman say ng ilang netizens si Makagago is the new Raffy Tulfo since sa kanya magpapa-interview si Keith Talens. Anyway kasama rin si Xander Ford sa bidyo. Panoorin at pakinggan natin ang side ni Keith Talens.

Netizen may Sinabi Tungkol sa Pagkatao ni Vena na Live In Partner ni Keith Talens

Views
Keith Talens YT channel

Dahil lumalala ang issue ngayon ng vlogger na si Keith Talens, kung anu-ano na rin ang nadidiskobre ng mga netizens sa mga taong nakakakilala sa kanila. Anyway nakilala at sumikat ang si Keith Talens noong nag-viral ang kanyang bidyo na kung saan isu-surprise sana niya ang kanyang ama ngunit pagdating sa kanilang province ay pumanaw na pala ito.

Matatandaang kinuwestyon ng ilang netizens ang pag gamit daw ni Kieth sa kanyang amang pumanaw dahil kanya itong ginawan ng contents at pagkakitaan sa Youtube. Simula noon ay sumikat na si Keith na ngayon ay may 2millions ng subscribers sa Youtube.

Dahil kumakaharap ngayon sa isa na namang matinding issue si Kieth dahil daw sa hindi makatarungan pagpapaalis sa kanyang long time vlog partner at all around driver/bodyguard/talent and etc na ngayon ay ipina-Tulfo si Keith ay pati ang ka-live in partner niya na kilala sa pangalang Vena ay nahahalungkat na rin kung sino siya at kung bakit walang parents na nakikita ang mga kasatsat sa kanilang mga vlogs.

Ayon sa isang netizen, galing daw sa mayamang angkan itong si Vena at yung bag niya ay may halagang 2.5million at ang rason daw kung bakit wala sa pudar ng pamilya niya si Vena ay dahil daw ayaw ng pamilya niya kay Keith Talens.



John Lloyd Cruz Spotted sa Sabungan, Basahin Kung Ano Say ng Netizens

Views
Image courtesy of Facebook: Sabong 101

Matagal ng hindi active si John Lloyd sa showbiz kaya naman hindi na siya nakikita sa TV o minsan na lang sa kanyang mga guesting. Matatandaang nag lie low si John Lloyd sa showbiz at naging sila ni Ellen Adarna at nagkaroon pa ng anak at kalauna'y nag-split din sa hindi pa alam na kung ano ang rason.

Anyway naging palaisipan sa mga netizens ang mga larawan ni Joh Lloyd na kung saan namataan ito sa sabungan na looking normal with a blue polo shirt. Naging pala-isipan sa mga netizens kung ano ang nangyayari sa kanya at kung ano ang ginagawa niya roon.

Image courtesy of Facebook: Sabong 101

Image courtesy of Facebook: Sabong 101

Image courtesy of Facebook: Sabong 101

Ito naman say ng netizens:

  • Kaloka wag naman maubos ang iyong pera dyan. Addictive din ang sport na yan parang c@sino. 
  • Sayang naman at may anak ka na as much as possible maganda kung may mana kang ibibigay.  Madaming artista na kahit malaki ang sinuweldo nung tumanda nawala ang halos lahat ng inipon. Ang pera nauubos.
  • Parang sobrang TH na ni jlc magpaka away from showbiz glitz? Ewan ko but you would see him in the least expected places with matching untidy grooming. Pwede naman magpunta in places without looking like lacking proper hygiene. Magpaka presentable pa rin sana kahit papano like haircut, grooming, kumain ng masusustansya and all that. Yun lang naman ang akin.
  • He’ll never be able to get his shiny star back. He can still get back to acting. He just wouldn’t be as popular as before
  • May control dapat sya sa mga ganyang bisyo. Pwede naman kung libangan wag lang maging habit na pumunta dyan. Sa yaman na nya wag na lang sana sya pumusta at manood na lang sya.Example na money can't buy happiness. Nasa top na sya at kahit sinong babae kaya nya kunin dati. Pero always looking sya kasi hindi nya mahanap ang magpapasaya sa kanya. Pwede sya bumili ng madaming kotse para pasayahin ang sarili.   Ito ang malungkot at nakakatakot kapag nangaryi sa atin kahit halos glorify sya dati ng mga katrabaho at tao hindi nya mahanap ang happiness. Kahit simple ang buhay nya ngyon parang nag hahanap parin sya.

Wednesday, February 19, 2020

Hindi lahat ng sumbong kay Tulfo, Keith Talens kay Makagago pupunta para masabi ang side niya

Views
Keith Talens YT/ Makagago YT

Dahil sa viral ang pagsusumbong ni Mang Jun kay Raffy Tulfo in Action kahapon na marami ang pumanig kay Mang Jun, hindi ata prepare ang vlogger na si Keith Talens sa mga sa pagpapapa-Tulfo ng dati niyang kasamahan sa vlogs at driver na si Mang Jun, dahil hindi matuwid ang mga rason nito ng tawagan ito ng Raffy Tulfo in Action.

Sa isang top comment sa video ng Raffy Tulfo in Action kung saan nagsumbong si Mang Jun, nag-top ito dahil it does makes sense sabi sa comment:
Wala pong guard na 2 days pa lang jan sa duty alam na agad ang mga tsismis sa lugar na yan. Ano nag-guard ba siya diyan para mag-spread ng tsismis?

The fact na bago pa lang yung guard ang nagkakalat na ng kasiraan nila Keith abay may mali na doon.

Ano ba namang rason yung tiktok kaya nakuhanan yung pambubugbog.

Screenshot from Raffy Tulfo in Action
Lol, imbes na yung driver ni Keith yung pagtakapan niya dahil sa loyalty at pagtatanggol sa kanya abay pagkatapos kuhanan ng bidyo ng admin niya ay ikinalat na lang niya. Tas doon nakipag kampihan sa guard.

At sa guard hoy SG ka wala ka bang training. Guard ka nga eh ibig sabihin kailangan mo ipagtanggol ang gina-guard mo eh ang lambot mo lol.

Mindset ni Keith:
Dahil sa paninira mo sakin guard at pinagtanggol ako ng driver ko friend na tayo guard at papaalisin ko driver ko dahil bayolente.

Sa bagay Keith since magpapagawa naman ng mansion si Keith di na niya need yong taong marami may alam sa mga baho niya. Buti brave itong si Mang Jun. 

The fact na papalit-palit ng katulong si Keith halos bawat 2 weeks may bagong katulong aba’y may something nga. 

To Keith naman, you don’t need to use the loyalty of your driver para paalisin siya. Kinausap mo sana maayos na hindi na gusto ni Vena na kasama mo siya bilang driver dahil sinasamahan ka niya sa pambabae mo tas nung nahuli ka si Mang Jun sinisi mo may bornik ka na di ka na bata. 

Sisisihin mo pa si Mang Jun na gusto niya kayo siraan ni Vena dahil pinakilala ka niya sa babae jusmeo anong rason yan.

Kriminal? Wag niyo i-rason ang basic na rason ni Keith. Kriminal at bayolente pero pinagkakatiwala si Kiyome na anak ni Vena. Dont me ๐Ÿ˜‚



Screenshot from Raffy Tulfo in Action
But anyway lets go back sa topic, since hindi nga nakapagsalit ng maayos si Keith sa tawag ni Raffy Tulfo, minabuti naman ni Keith na makipag-usap kay Makagago since malawak din ang pangalan ni Makagago, sa katunayan top trending #8 ang bidyo ni Makagago ngayon na umani rin ng positive feedbacks sa netizen.

Sa comment ni Makagago sa bidyo niya, kanyang sinabi nag pupunta si Keith Talens sa resto ni Makagago para masabi ni Keith ang side niya.

Screenshot from Makagago YT Channel


Since umani ng positive feedback ang bidyo ni Makagago may isang comment doon na hindi sang ayon kay Makagago since nag-focus daw ito sa pambubugbog na sabi ni Mang Jun ay setup lang at sinabing:




Para po sa kaalaman ng lahat,

Hindi po main issue rito is yung pambubugbog, kasi yung pambubugbog ay pawanf setup lamang ni Keith. 
Why? 
1.Gusto na ni Vena na mapalayas si Mang Jun dahil sa hindi pagsasabi ni Mang Jun sa kanya na nambababae si Keith. 
Para po mapaalis si Mang Jun gumawa ng paraan si Keith, kinausap sa niya yung bago pa lang na guard 2 days lang doon na kunwari nagpapakalat ng kasiraan ni Keith at Vena is si Mang Jun (para ma-provoke at mang gulpe since alam ni Keith na pinagtatanggol talaga niya si Keith madalas.)

2. Kung ikaw ba na madalas mong kasama sa bahay na para mo ng tatay ay ikaw pa Keith at Admins niyo ang kumuha ng bidyo (hindi po cctv yung video kundi phone kuha ng mga kasama ni keith at right after that pinakalat agad nila yung vid saka dalawang version.)

3. Ngayon lang nagsalita si Mang Jun since sirang sira na siya sa 2m followers ni Keith dahil si Keith at admins nito mismo nagpakalat ng vid para mawala sa main issue ang pambababae ni Keith.

4. Wag niyo po i-issue yung pambubugbog since setup lang yun (binayaran lang yung guard although may mali si Mang Jun since kumagat siya sa bait) kasi yun din ang plano ni Keith.

5. Rason ni Keith, bayolente, kriminal? Wala pong matinong parents o guardian na ipapaalaga ang anak nilang si Kiyomi sa kagaya ni Mang Jun at wala pong taong halos araw araw ipa-prank si Mang Jun kahit tulog kung bayolente ito.

6.Wala pong mabait na tao na every 2-3 weeks magpapalis at magpapalit ng katulong pag pagod na mag-prank ang kasambahay.

7.Lastly wala pong guard na bago pa lang sa duty (2 days) tsismis agad ang alam, alam na agad ang nangyayari sa paligid. At wala pong amo na pagkatapos ipag tanggol ng driver ay sa guard nakipag kaibigan at pinalayas ang loyal na driver. 

Hope you get my point. Wag po mag-base don sa tulfo lang vid panoorin ang sagutan ni Mang Jun at Keith sa vlogs nila.
Pahabol since pupunta pala jan si Keith sa resto mo I bet this kinda makikinabang din resto mo since kay Keith ka kampi.


Screenshot from Makagago YT Channel



Mang Jun pina-Raffy Tulfo si Keith Talens at ito ang katotohanan ng lahat

Views
Raffy Tulfo YT channel 
Last week nag-viral ang bidyo kung saan nambugbog ng guard ang driver ng vlogger na si Keith Talens, sa kuwento niya ay kinakalat daw ng guard na sinisaraan ng driver ni Keith si Keith at partner nito na si Vena kaya naman nag-init ang ulo ni Mang Jun at nabugbog niya ito.

Hindi pala alam ni Mang Jun na setup lang pala ni Keith yun para mapa-alis si Mang Jun sa pudar nila. Dahil pala gusto na rin ni Vena na umalis si Mang Jun dahil sinasamahan niya si Keith mambabae. Narito ang salaysay ni Mang Jun.

Sa kuwento ni Mang Jun sa bagong Youtube Channel nito, kanyang sinabi na:

  • Nagawa niya 'yon sa security guard dahil na-setup siya mismo ni Kieth Talens at mga Kasatsat Admins nito.
  • Bago lamang ang security guard na yon at inutusan o binayaran daw ni Keith para i-provoke si Mang Jun na si Mang Jun daw ang nagkakalat ng tsismiss which is paninira sa kanyang amo na si Keith Talens.
  • Bago pa lang daw siya manuntok ay may nakaabang ng cellphone na magre-record sa plano at halata raw na hindi lumalaban ang security guard kahit naman may mga trainig ito para magmukhang kawawa. 
  • Plano raw na ipakalat ito ni Keith para mapagtakpan ang pambababae o pangche-cheat niya kay Vena dahil galit si Vena kay Mang Jun dahil hindi siya nagsumbong kay Vena kahit alam niyang nambababae si Keith.
  • Dahilan ni Mang Jun ay hindi o wala siya sa lugar para magsumbong at para sirain si Keith kay Vena, in short driver lamang daw siya at wala siyang karapatan at 'di niya alam saan siya lulugar.
  • Hindi rin daw binigay sa kanya ni Keith ang channel niya "Mang Jun (nakapangalan sa kanya)" may may mataas ng subscribers.
  • Never daw tumanggap o nakasahod si Mang Jun sa kanyang Youtube channel at lahat daw ng kita ay napupunta kay Keith Talens. 

Robin Padilla Binanatan si Coco Martin Binubuhusan Daw ng Tubig ang Tulog na mga Crew

Views
Robin Padilla IG/ Coco Martin IG

Dahil sa napapabalitang hindi makaka-renew ng franchise ang ABS-CBN not because sa napapabalitang malaki ang TAX na hindi nila nabayaran na kalaunan wala naman daw sabi ng BIR but because "Mr. Calida said the government will prove that ABS-CBN has been broadcasting for a fee, “which is beyond the scope of its legislative franchise.” He also accused the company of hiding behind what he said was an “elaborately crafted corporate veil” by allowing foreign investors to take part in its ownership."

He stressed that ABS-CBN “abused the privilege granted by the state” when it introduced a pay-per-view channel without approval by the government’s telecommunications commission.

Anyway sa comment ni Robin Padilla bilang sagot sa isang netizen na pinagsabihan si Robin na, ba't hindi raw niya gayahin si Coco Martin na gumagawa ng teleserye at tumulong sa mga walang trabaho.

Kaya naman may ilang linya rito na binitawan ni Robin na banat kay Coco Martin, imbis na siya raw ang pagsabihan ng netizen pagsabihan daw niya si Coco Martin na nambubuhos ng tubig sa tulog na mga crew at pagpatol sa babaeng location manager. Narito ang palitan ng kanilang comments:

Robin Padilla IG

Robin Padilla IG


Ito naman ang say ng netizens:

  • Buti na lang walang preno bibig ni Robin nalaman natin the man behind the pa “goody” Coco! At nalaman natin walang ROYALTY FEE mga actors sa mga TV reruns or in any form of reruns sa mga shows/movies nila!!!
  • Well. I dont like robin pero i also dont believe sa pa goody goody image ni Coco. Pati yung pag gamit nya sa mga lipas na artista parang may hidden agenda sya dun na bumango ang name
  • Normal lang naman po magalit ang director sa set. Naexcuse nga noon ang verbal abuse ni Direk Cathy diba? Ang akin lang po, nung nagkasakit ang tito ko na crew ng AP, malaki po ang tinulong ni Coco kaya po hindi po ako naniniwala na masama siyang tao. Hindi siya perpekto pero alam nating lahat madami pang mas masahol sa kanya.
  • Palagay ko naman hindi tatagl sila Susan Roces, Jaime Fabregas, yumaong Eddie Garcia or si Michael de Mesa, sa Ang Probinsiyano, kung hindi makatao at masama ugali ni Coco. Karamhihan pa din ng mga kasama niya dito halos original cast pa din apart yung mga guest appearances ng mga ibang artista na part lang ng isang episode nila...
  • Lumaki na pala ulo nitong si Coco if ever totoo pinost ni Robin.
  • Sa mga nagsasabing lumilihis na si Robin sa issue, sinabihan sya nyang netizen na sana daw gayahin nya si Coco kaya ganyan ang sagot nya, anong lihis dyan?
  • Lol. Dami talaga nauto ni coco dun sa mga “natulungan” daw nyang mga artista.

Tuesday, February 18, 2020

Lalaking vendor, sabog ang leeg nang paputukan ng lalaking kinukuha ang kinita sa paghahanap-buhay

Views
Sheryl Paragas FB
Nakakalungkot na balita na kaka-post lang sa Facebook na nakuhanan ng CCTV na kung saan ang isa sa dalawang lalaki na naghahanap-buhay nawalan ng buhay dahil sa pinaputukan ito ng di pa kilalang lalaki nang salubungin sila sa daanan.

Hinablot ng suspek ang kanyang baril sabay tutok sa nagmamanehong vendor at pilit kinukuha ang benta nito, bagamat hindi nanlaban ang vendor at tila parang nakikiusap sa suspek at ayaw ibigay ang kinita ay bigla itong pinaputukan sa leeg critical naman ang kalagayan ng biktima.

Ipinost ito sa Facebook ni Sheryl Paragas kapatid niya ang biktima na si Samson Bautista. Nangyari ito kaninang madaling araw Feb. 18, 2020 sa Baseco, Port Area sa Lungsod nang Maynila. Nananawagan naman ang kapatid sa netizens para makilala ang suspek.

Monday, February 17, 2020

Literal na "Love is Blind" Viral Ngayon sa Social Media

Views
John Cuenca Alterado FB

Kung tatanungin mo ang mga ordinaryong tao kung ano ang alam nilang quotes malamang malamang isa doon ay "Love is Blind" bakit? Kasi madali lang imemorize at kahit tatlong words lang 'yan ay malalim ang meaning na kung saan applicable sa buhay. Ang love kasi ay hindi sa physical na kaanyuan ng isang tao kundi kung ano siya at kung sino siya kusa mo itong mararamdaman, 'yan ang pinaka simpleng meaning ng quotes na 'yan.

Pero sa viral na post na ito sa Facebook na kung saan blind na couple ang tumatawid sa daanan at gamit ang tali na hawak ng kanilang anak ay nagsisilbing gabay nila para sila'y makatawid at makapaglakad na matuwid. Dahil dito pinatunayan nilang hindi lang words ang "Love is Blind" kundi pinagsama pa nila ito literal na Blind at Love. Nakaka-touch diba, tingnan natin ang kanilang larawan.

John Cuenca Alterado FB

John Cuenca Alterado FB

John Cuenca Alterado FB

"Sabi Ko Na Barbie" Ito Pala ang Kuwento sa Likod ng Viral na Bidyo

Views
Rated K YT Channel
Talaga namang sikat na sikat na ngayon ang line ng isang bata sa viral na bidyo na "Sabi ko na barbie eh!" at ito ang kuwenti sa likod ng clip.

Ang bidyo pala ay taken last year's Christmas, nag-viral ang bidyo nila after makatanggap ng regalo sa kanilang mga magulang. Ang reaksyon nila kasi kung gaano sila kasaya ang nakaagaw pansin sa mga netizens. Ngayon maslalo pang naging famous sa linya ng bunso na “Sabi ko na Barbie eh!” dahil sa may beats at tune na o remix bukod dito maganda pa ito pakinggan kaya madalas naririnig ito at nababasa sa mga memes.

Netizens start giving them gifts (Barbie)

Netizens start giving them gifts (Barbie)


Halatang halata naman na kung gaano sila kasaya sa regalo sa kanila, ngunit ang linyang ito ay ginagamit na ng mga netizens na patama sa mga kabaklaan.

Sa recent episode kasi ng Reated K ni Korina Sanchez ay nakapanayam nila ang parents ng magulang ng magkapatid na si James na 4 taong gulang at kanyang kuya na si Neithan na 8 taong gulang. At amg nagbigay sa kanila ng Barbie ay ang kanilang nanay.

Ang kanilang nanay ay alam na alam kung ano ang makakapagpasaya sa kanila sa pasko at kung anong laruan ito. Kahit sa early age ng mga bata ay ramdam na nilang mag-asawa na girly sila kaya naman tanggap na nila ito at sinusuporatahan. Panoorin ang kanilang bidyo sa Rated K.


Anne Curtis ipinakita kung papaano nagbabago ang katawan 'pag buntis

Views
Anne Curtis FB

Maraming napahangang netizens sa post ni Anne Curtis na kung saan kanyang ipinakita kung papaano nagbabago katawan 'pag buntis ang isang babae. Sa caption ng kanyang post kanyang sinabi na:

Birthday Suit.
I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being - I can feel her little hiccups, her big kicks in my ribs and squirming around in me every single day. Not too long till my little girl meets the outside world and she will be the best gift I have ever received in my life ❤️ Thank you for your birthday greetings everyone! Sending out light and love to all of you!



Bangs Garcia and Family Announce arrival of second baby

Views
Bangs Garcia IG

MANILA, Philippines – Actress Bangs Garcia announced that she's pregnant with baby number two. On Saturday, February 15, she posted a photo of herself, a Filipino-British husband Lloydi Birchmore who married her three times, and their first daughter Amelia holding an ultrasound photo. They're very happy to announce the new family member. Bangs caption her IG-post with:

"The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!" Bangs wrote, with the caption #4MonthsPregnant.

Bangs Garcia IG

Bangs Garcia IG


Garcia and Birchmore were engaged in January 2016 in Boracay, at the same spot where they first met, according to the actress.

Garcia said she is fortunate to have a supportive boyfriend who understands how show business works even if he is not from the industry.