Thursday, February 6, 2020

Ama ni Yassi Pressman pumanaw na Yassi at Issa labis na nagdadalamhati

Views
ABS-CBN's Magandang Buhay

Labis na lungkot ang nararanasan ngayon ng magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagpanaw ng kanilang ama na si Ronald Pressman.

Sa edad na 90 binawian ng buhay ang kanilang British na ama  matapos makaranas ng mga komplikasyon sa puso at katawan dala na rin ng kanyang katandaan.

Inalala naman ni Issa ang kanyang ama bilang isang masiyahin at positibong tao. Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang mga kuha niyang video kung saan masaya pa ang kanilang ama habang nakikipag-bonding sa kanila.

"If you met my father, I bet he made you smile or laugh once if not more. He was charming, always smiling, and had a great sense of humour.

"He always saw the brighter side of things, no matter the situation. No wonder why you lived such a great and long life, you were always so positive. You were a happy ball energy Papa. Loving you, Your baby," ani Issa.



Hindi naman ikinubli nina Yassi at Issa kung gaano sila ka-close sa kanilang ama na siyang nagpalaki rin sa kanila. Matatandaang nag-guest pa sina Yassi at Ronald sa programang "Magandang Buhay" at emosyonal na pinasalamatan ni Yassi ang kanyang ama.

“I’m just going to promise that I will always take care of you, because you’re my Papito, you’re my ‘macho.’ You just promise to be strong always,” mensahe ni Yassi.

“I will. That’s to show my appreciation for your presence. I will, I will, I will," sagot ng kanilang ama.



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment