Thursday, June 18, 2020

Jobert Sucaldito Says "Napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO"

Views
Jobert Sucaldito Sympathizes with Daryl Ong

Sa post ni Jobert Sucaldito sa kanyang Facebook account marami siyang binitawang maaanghang na salita sa ABS-CBN ito'y pagkatapos mapanood ang bidyo ni Daryl Ong kung saan ipinaliwanag niya ang pagka-ban nila ni Bugoy sa ABS-CBN. Narito ang post ni Jobert:

"Napanood ko ang video ni Daryl Ong regarding sa pagtanggal sa kaniya ng ABS-CBN na may tagline na "in the service of the Filipino" and refers to everyone who works there as Kapamilya and medyo nalungkot ako. naramdaman ko ang nangyari sa kaniya dahil ganoon din halos ang nangyari sa akin, kasama ang ilan pang mga nawala na sa tinatawag nating Kapamilya network. in fairness kay Daryl, he explained himself very vividly and decently pero dama mo ang pain sa kaniyang puso. but of course, this didn't stop him from thanking everyone who, in one way or another, has helped him boost his career while he was still connected with them."

"masyadong mababaw ang karamihan sa mga dahilan ng ABS-CBN sa pagtanggal ng marami nilang trabahador. imagine, yung isang simpleng kuwentuhan lang with friends (Bugoy and company) would lead sa pagkasibak nila sa network without even giving them the chance to air their side of the story. ganyan ka-feeling ang mga tao sa loob ng istasyon - mga diyos ang turing nila sa mga sarili nila - iyan ang mga anay sa loob. napakayayabang - napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO ang ilan diyan. "


"kailangang himurin mo ang mga puwet nila para mapanatili ka sa loob lalo pa't hindi ka nila kaalyado. nakakadiri ang ilang tao diyan sa loob. you should have seen how they throw their weights around. mapapapunyeta ka talaga. nakakagigil sila kung minsan. feeling kasi nila forever silang nasa itaas. puwes, magkasubukan tayo. pagbabayaran niyo lahat itong pang-aapi ninyo sa aming maliliit. daming sipsip kasi diyan - tulad na lang nung tinutukoy ni Daryl na nag-record ng conversation nila na nagsumbong sa mga boss ng ABS-CBN - I hope by the time na mabigyan ng prangkisa ang Dos ay gawin siya agad na Vice President. ang kapal, di ba? hindi man lang niya inalintana ang katayuan nina Daryl and Bugoy na kailangan din ng trabaho para ibuhay sa mga pamilya nila. mabait lang iyang istasyon na iyan sa mga sipsip sa kanila pero pag di ka nila feel, gagawa at gagawa ang mga iyan ng paraan para tsugiin ka. iyan ang tunay na essence ng KAPAMILYA. mga walang puso at walang budhi!!!!!"

"iyan ba ang pinaglalaban ninyong istasyon - ang masyadong marahas sa kanilang mga desisyon sa mga pobre? IN THE SERVICE OF THE FILIPINO? huwag niyo kaming ululin! isang malaking katarantaduhan ang tagline na iyan. sarap pangalanan ang mga naghahari-harian sa loob. sarap pagsasampalin. puwes, namnamin ninyo ang KARMA na kinakaharap at haharapin pa ninyo in the future. sabi nga nila "when you're up there's no way but down". ang tayog kasi ng lipad ng mga nakaupo diyan - feeling forever sila sa power. ilan lang ba and malinis sa loob ng istasyon na iyan? pakikiapid kung kani-kanino. daming internal scandals kaya diyan. kaniya-kaniya silang diskarte. sabi sa inyo, may mafia sa loob ng istasyon na iyan eh. may iba kaming nakausap na mga male artists na sobra ang sama ng loob sa mga naging takbo ng career nila sa loob ng istasyon. may nagsasabing kaya di umuusad ang mga careers nila dahil hindi sila pumapayag na magpahawak sa malalagim na kamay ng ilang baklang malalakas sa loob. to get good breaks, yung iba ay napipilitang pumatol. huwag na tayong magmaang-maangan darlings. huwag kayong magmalinis dahil it's an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!"


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment