Thursday, June 3, 2021

Lalaking motorcycle enthusiast, binenta ang mamahaling helmet para tulungan ang 10-anyos na batang si Reymark

Views

Photo: @jerickmitra87 Facebook

Kamakailan matapos maitampok sa KMJS Kapuso Mo Jessica Soho ang buhay ng isang batang sampung taong gulang palang ay nag aararo na.

Marami ang naantig ang puso sa batang ito matapos nga maipalabas ‘yun at marinig ang mga mensahe ng batang ito sa kanyang interview.

Photo: KMJS

Matapos maitampok ang istorya ng bata ay agad dinagsa ng tulong dahil agad ding nag-viral sa social media ang kanyang buhay.

Photo: @jerickmitra87 Facebook

Sa sobrang daming na-touch sa kanyang istorya ng buhay ay ‘di napigilan ng netizens kahit pa mga tao sa ibang bansa ang kanilang mga emosyon.

Photo: @jerickmitra87 Facebook

Dahil kuwento ng iba ay laking bukid din sila at ginagawa rin kung ano ang ginagawa ng batang ito ngayon, ngunit nagpursigi lamang sila kaya’t umasenso sila sa buhay nila.

Si Jerick ay isang motorcycle enthusiast at matapos nga niyang mapanood ang nakakaawang sitwasyon ni Reymark ay napagdesisyunan niyang ibenta ang pagmamay-ari niyang mamahaling helmet.

Sa isang Facebook post ay naghahanap ng interesadong buyer si Jerick ng kanyang helmet at base sa post niya, ibinebenta niya itong helmet sa halagang P12,950 at nangako siyang lahat ng kanyang kikitain ay mapupunta kay Reymark. Ngunit may nag-viral din na post sa social media na kung saan ay may isang tao pa na binenta ang kanyang mamahaling helmet upang gamitin ang mapagbebentahan sa pagtulong sa batang ito.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment