Wednesday, June 2, 2021

Andrea Brillantes Inaming may Pinakaayaw Siyang Vlogger at Baka Masapak pa Niya Ito

Views
Photo: Andrea Brillantes YT

Aminin na nating bawat isa sa atin ay may kinaiinisang tao at kahit sino ka man at gaano ka man kabait o kasikat ay sadyang may mga taong sadya nating kinaiinisan, tulad na lang ni Andrea Brillantes na isang isang sikat na young actress at pati siya ay may inaming pinakaayaw niyang vlogger. 

Sa bagong vlog kasi ni Andrea na pinamagatan niyang sagot o lagot ay kanyang inamin nang siya’y tanungin ni Seth kung sino itong vlogger na ayaw niyang maka-collab ay agad niyang inaming may isa siyang vlogger na ayaw niyang maka-collab.

Photo: Andrea Brillantes YT

Photo: Andrea Brillantes YT

Photo: Andrea Brillantes YT

Napanood kasi ni Andrea ang isyu noon tungkol sa isang vlogger na sumikat dahil sa pangju-judge sa mga tricycle drivers na walang mararating at kahit hindi niya binanggit ang pangalan ay kilala at alam na ito ng mga netizens.

Photo: Andrea Brillantes YT

Photo: Andrea Brillantes YT

Ang dahilan kung bakit naman ayaw ni Andrea sa kanya ay dahil isa ring tricycle driver ang kanyang lolo na proud na proud siya dahil siya ang naghahatid sundo sa kanya sa school at never niyang ikinahiya ang lolo niya kaya naman dagdag pa ni Andrea kung sa lolo daw ito nasabi ng naturang vlogger ay baka masapak daw niya ito.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment