Saturday, October 9, 2021

Ogie Diaz may Mensahe para kay Andrea Brillantes Tungkol sa Pamimili nito ng Kaibigan sa Showbiz Industry

Views
Photo: Ogie Diaz Showbiz Update


Sa nakaraang chikahan ni Ogie Diaz sa kaniyang Youtube channel kasama ang kaniyang mga ka tsismis na sina Mama Loi at Tita Jegs nabanggit nito ang tungkol sa casting sa palabas na Darna kung saan naman ay dati’y ginampanan  ni Liza Soberano ang leading role bilang Darna 

Subalit sa hindi inasahang pangyayari ay nagkaroon ng disgrasya si Liza habang nag sho-shooting sa kaniyang isa namang palabas sa Bagani dahilan ng pag suspinde niya sa kaniyang role bilang darna. Kaya naman naging bakante naman ang posisyon ng darna at nito lang nakaraang mga araw ay kinumpirma na itong gagampanan na ni Jane De Leon.


Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Nag bigay naman ng sariling opinyon si Ogie tungkol sa Darna Casting. Ayon sa kaniya, kung may katangkaran lang si Andrea Brillantes ay pwede daw itong maging bida sa darna dahil magaling naman daw itong umarte at konting bawas sa tabas ng katawan ay pwede na itong maging bida sa nasabing bagong palabas

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

Kaya nga lang daw may issue daw itong si Andrea Brillantes. Nag assume ‘raw ang mga tao na wala itong tunay na kaibigan sa industriya at ito nama’y sinagot ni Andrea sa isa sa kaniyang mga vlog

“Lumaki naman talaga akong walang friends. Hindi na importante saakin na marami akong kaibigan. Kasi nga, believe it or not, alam n’yo naman, maraming plastik sa showbiz.”

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Sang-ayon naman dito si Ogie, sabi pa nga niya na hindi pa ‘raw ipinanganak itong si Andrea ay alam na niyang nagsasabi na ito ng totoo tungkol sa naging pahayag ni Andrea. Subalit dagdag pa nito na normal lamang ang ganitong mga tao dahil kahit sa ibang larangan din ay mayroon namang mga plastik.

“Bakit sa opisina ba walang plastik, lahat totoo? Sa politika ba walang plastik, lahat totoo? Diba yung iba pa nga korap.”

“Kaya gusto ko lang sabihin dito kay Andrea na anak, wag mo nang pag-iinitan iyan. Dahil kahit saang larangan, kahit sa school, kahit sa trabaho, may plastik.”

Dagdag pa nito na minsan, nasa atin ang problema kaya hindi tayo nakakakita ng tunay na kaibigan kasi minsan naman ay may pag-uugali tayong inuunahan ang isang tao kung sila ba ay tunay o hindi.

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

“Minsan, tanungin mo din yan sa sarili mo andrea ah na ‘baka ako ang may deperensya’?”

Ayon sa kaniya, kung may ganito tayong mindset, hinaharang natin ang mga potensyal na tunay na kaibigan at may mga magagandang intensyon sana sa atin ngunit dahil nga naman sa ating paniniwala minsan ay nakakasira tayo ng friendship.

Pahayag din naman ni Ogie na baka nga daw may pinagdadaanan lamang itong si Andrea kaya ganito ang kaniyang pananaw.

 


 



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment