Sunday, February 13, 2022

Dawn Chang Na-cancel Culture Nabaliktad ni Toni Gonzaga Binura Lahat ng Vlogs sa Kanyang YT Channel

Views

Larawan ni Toni Gonzaga at ni Dawn Chang

Talaga namang ginulat ni Dawn Chang ang mga netizens nang bigla niyang batikusin ang nag iisang Multimedia Star na si Tony Gonzaga nang magpakita ito ng soporta taliwas sa sinusuportahang manok ng kanyang home network.

Hindi kasi lubos akalain ng mga netizens na kay Dawn Chang pa manggagaling ang pagkadisamaya niya sa isang big star ng Kapamilyya na si Tony G. Dahil kumpara kay Dawn Chang ay isa lamang itong starlet at isa namang big star si Toni Gonzaga kaya naman kahit pa binatikos ito ni Dawn Chang at nag viral ang post nito sa FB patungkol kay Toni Gonzaga ay tila hindi apektado si Toni Gonzaga. 

Sa kasalukuyan (Feb. 13, 2021) ay may 388k reactions ang post ni Dawn Chang na kung saan pinatamaan nito si Toni Gonzaga ngunit kapansinpansin na “😆” na na reaction ang nangunguna ‘di gaya nitong nakaraang araw na “❤️”,  nasa 200k na kasi yung “haha” na reaction na ibig lang sabihin ay pinagtatawanan na lamang si Dawn Chang ng mga supporter ni Toni Gonzaga. 

Larawan mula FB ni Dawn Chang

Sa katunayan noong pina-trending nila si Toni Gonzaga para ipa-cancel culture ay hindi ito naramdaman ni Toni Gonzaga, hinihingkayat din kasi nila na i-unsubscribe sa mga social accounts ni Toni Gonzaga ang mga netizens ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil last week ay nasa 5.7M ang subscribers ni Toni Gonzaga sa kanyang YT pero nagyong February 13 ay mastumaas pa ang bilang ng kanyang mga subscribers sa YT na naging 5.11M pa, masasabing masminahal pa siya ng mga taong sumusuporta rin sa kandidatong pinili niya. 

Larawan Mula sa IG ni Toni Gonzaga

Larawan Mula sa IG ni Toni Gonzaga

Pagkatapos ng apat na araw tila nanlata si Dawn Chang dahil sa bilang ng mga bumabatikos sa kanya at isa na rito ay si Cristy Fermin na pinatamaan si Dawn Chang at nagbabala naman ng demanda ang kampo ni Dawn Chang kung hindi magpu-public aplology si Cristy Fermin ngunit hindi natakot si Cristy Fermin sa mga banta ng kampo ni Dawn at sino raw ba siya para katakutan ng isang Cristy Fermin. 

Larawan mula FB ni Dawn Chang

Ngunit tila nabaliktad ang sitwasyon mukhang si Dawn Chang ang na-cancel culture dahil siya ngayon ang nagbura ng mga vlogs niya sa kanyang YT channel. 

Larawan Mula sa YT ni Dawn Chang

Updated as of Monday February 14, 2022

Lumalabas na pansamantalang ipinrivate ni Dawn Chang pala ang kanyang mga vlogs pero ngayong Valentines day ay kanya muli itong ipinublic, kaya naman naging pala-isipan sa mga netizens kung bakit niya ito ginawa, hindi kaya dahil nahihiya siya dahil kakarampot lang ang kanyang mga views o di kaya’y gusto lang niya makuha ang atensyon ng mga entertainment sites para ito mapag-usapan at maka-gain ng new subscribers. Anyway kahit ano pa man ang dahilan ni Dawn ay siya lang ang nakakaalam. 

Larawan Mula sa YT ni Dawn Chang


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment