Friday, February 4, 2022

Donnalyn Bartolome Ipinasilip ang Bahay na Ipamimigay Niya sa Kanyang Subscribers

Views

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Isang magandang balita at sorpresa ang inihanda ng sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome para sa kanyang mga fans, tagasubaybay at subscribers sa kanyang Youtube Channel. 

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Masayang ibinahagi ni Donnalyn ang tour ng kanyang ipapamigay na house and lot sa masuwerteng tagahanga nito at sa katunayan ay nagkakahalaga ito ng mahigit kumulang 2M at hindi lang ‘yan dahil ang bahay at lupa na kanyang ipapamigay ay fully furnished ibig sabihin may mga kagamitan na ito.

Dahil mahalaga kay Ms. Donnalyn Bartolome ang kanyang mga subscribers dahil sila naman talaga ang dahilan kung bakit tinatangkilik pa rin ang mga vlog ni Donnalyn ay nais lamang ni Donnalyn na kahit papaano ay maibalik niya ang blessings na natatanggap niya sa kanyang pagiging vlogger kaya naman isang bahay at lupa ang kanyang ipapamigay para sa kanyang minamahal na mga fans. 

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Ayon kay Donnalyn hindi na gaanong mamomroblema ang mananalo dahil ang bahay na ito ay malapit sa lahat gaya ng palengke, simbahan at paaralan mga basic na pinupuntahan ng mga mamamayan para makaraos sa pang-araw araw na gawain. 

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Hindi na rin gaanong mamomroblema ang mananalo dahil fully furnished na ang bahay dahil binilhan na ito ni Donnalyn ng kagamitan kagaya ng sofa, TV, electric fan, mga cabinet at air purifier kaya naman napakaswerte ng mananalo.

Larawan mula sa YT ni Donnalyn Bartolome

Wag na rin magalala dahil kung kagamitan sa kusina ay kinumpleto na ito ni Donnalyn dahil ang bahay na ito ay mayroon ng mesa at upuan mayron na ring mga kagamitan sa kainan gaya ng plato, baso, kotsara at tinidor at kung sa lutuan naman ay mayroon din itong stove, rice cooker, microwave, ref at marami pang iba mayron na rin itong washing machine kung labada naman ang problema mo, ang bongga talaga nitong si Donnalyn. 


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment